Matteo

Matteo mabilis nag-blend sa ‘Unang Hirit’

May 16, 2023 Aster Amoyo 280 views

MABILIS na naka-jive ni Matteo Guidicelli ang mga host ng GMA morning show na Unang Hirit.

Sa kanyang second day sa UH, nakikipagbiruan na siya sa mga kasama niya sa segment na sina Shaira Diaz at Kaloy Tingcungco.

At siyempre, hindi niya nakakalimutang batiin ang kanyang misis na si Sarah Geronimo na nagigising na raw ng maaga para mapanood siya sa UH.

Kaya huwag magulat kung one day ay biglang bubulaga na lang si Sarah sa UH, ‘di ba?

Samantala, naging mainit ang welcome kay Matteo sa UH noong nakaraang Lunes kunsaan sinalang siya agad sa isang cooking segment.

Nagluto si Matteo ng special pasta dish niya na kasama sa menu ng kanyang Italian restaurant sa Filinvest Alabang. Inamin ni Matteo na first time niyang magluto on live television kaya excited na kinakabahan siya.

Nakatanggap din ng maraming regalo si Matteo mula sa mga host ng UH. Dalawang avocado mula kay Susan Enriquez na freshly picked sa kanyang farm. Eye patch naman ang bigay ni Mariz Umali dahil 11:00 PM pa lang daw ay tulog na si Matteo. Coffee mug naman ang bigay ni Ivan Mayrina dahil coffee drinker sa umaga si Matteo. Neck pillow naman ang bigay ni Shaira Diaz dahil maaga raw magising si Matteo para kumportable ito sa dressing room kapag inantok ito. Eco-friendly utensils at water bottle ang bigay ni Suzie Entrata dahil malaki ang concern ni Matteo sa environment at stuffed toy dog naman ang bigay ni Atty. Gaby Concepcion dahil dog lover si Matteo.

At ang pinakabonggang gift ay galing kay Arnold Clavio na isang blow up photo ni Matteo kasama ang motorsiklo nito sa harap ng GMA Network Center.

Jo Berry bibida bilang abogada sa bagong serye

MALAPIT nang mapanood ang pinakabagong legal drama series ni Jo Berry at ang titulo nito ay ‘Lilet Matias: Attorney-at-Law’.

Sa ginanap na story conference para sa naturang serye noong nakaraang May 9, gaganap si Jo Berry bilabg isang maliit pero mabagsik na abogada na may malaking pangarap para sa mga naaapi.

Iikot ang istorya nito sa kanyang journey bilang isang abogada at sa iba’t ibang kaso na kanyang hahawakan kabilang na ang isang rape case na kasasangkutan ng kanyang half-sister na susubok sa kanyang career at magiging dahilan para mabuo ang kanyang pagkatao.

Siguradong kapupulutan din ng aral ang kuwento nito na tatalakay sa iba’t ibang social injustice issues na kinakaharap ng ating bansa gaya na lamang ng discrimination, sexism, abuse, at poverty.

Makakasama ni Jo Berry sa naturang teleserye sina Joaquin Domagoso, Zonia Mejia, Hannah Arguelles, Sheryl Cruz, Glenda Garcia, Teresa Loyzaga, Jason Abalos, EA Guzman, at Ariel Villasanta.

Honey ni Andre ipinakilala na

IPINAKILALA na sa wakas ng Kapuso actor na si Andre Paras ang kanyang non-showbiz girlfriend na si Honey Escarez.

Sa Instagram, nag-post si Andre ng ilang photos habang kasama si Honey sa Boracay.

“I know I’m feeling so much more than ever before and so I’m giving more to you than I thought I could do,” caption ni Andre na may kasamang musical notes emojis.

May hiwalay na post din si Honey ng sweet photos nila ni Andre sa kanyang IG account.

“Happier,” simpleng caption ni Honey na isang professional swimmer mula sa University of Santo Tomas.

Ilang celebrities naman ang kinilig na pinusuan at nagkomento ng pagbati kay Andre gaya nina Mikee Quintos, Carla Abellana, Klea Pineda, Valeen Montenegro, pati ang ina ng aktor na si Jackie Foster.

AUTHOR PROFILE