Default Thumbnail

Rekord ng mga miyembro hindi apektado sa sunog sa SSS

August 29, 2022 Melnie Ragasa-limena 331 views

HINDI umano naapektuhan ang rekord ng mga miyembro ng Social Security System (SSS) sa naging sunog sa main office nito sa Quezon City.

Magpapatuloy din umano ang pagbibigay ng serbisyo ng SSS sa mga sangay nito at online sa pamamagitan ng My.SSS, SSS Mobile App, at uSSSap Tayo portals.

Sa isang pahayag, sinabi ng SSS na nagsimula ang sunog ala-1:43 ng umaga noong Linggo sa UPS Room ng SSS Main Office Building.

Gumana umano ang fire suppressant system ng gusali kaya nalimitahan ang pagkalat ng apoy.

Alas-3:35 ng umaga ng ideklarang fire under control ng mga bumbero ang sunog. Naapula ang apoy alas-5 ng umaga.

Nagpasalamat ang SSS sa mabilis na pagresponde ng Bureau of Fire Protection Quezon City Station 4.