Ogie

Regine, umiyak sa masahe ni Ogie

August 27, 2021 Vinia Vivar 334 views

Naging emosyonal ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez habang nagpapasalamat sa asawang si Ogie Alcasid sa labis na pagmamahal at pag-aalaga nito sa kanya lalo na nga kapag may sakit siya.

Hindi naman kaila sa lahat na matinding sumpungin ng migraine si Regine dahil ipinu-post nga rin niya sa kanyang social media account.

Sa Magandang Buhay guesting ni Regine ay natanong siya kung ano ang birthday wish niya sa kanyang mister who celebrated his birthday yesterday, Aug. 27.

“Ako, more than wish, I just wanna say thank you to him for taking care of me while I was sick, taking care of the whole family.

“Kasi alam mo kapag asawa mo, kung ano ang sakit mo, sakit niya rin ‘yon, eh. Hindi man niya physically mararamdaman but he carries it because he doesn’t want to see you suffer like that. And so he was suffering with me,” ani Regine.

Araw-araw daw ay nagpapasalamat siya sa Diyos sa pagbibigay sa kanya ng asawang tulad ni Ogie at nadagdagan pa raw ang labis nia pagmamahal niya sa mister.

“I thank God for him every day. I told him this the other day that I don’t know if it’s at all possible kasi I am so in love with him, nadagdagan pa.

“Hindi ko alam kung posible pa ‘yon pero I’m so, so, so in love with my husband, nadagdagan pa. And I just want to say thank you for just taking care of me,” teary-eyed na sabi ni Regine.

Ikinuwento nga rin ni Songbird na sobrang na-touch siya nang first time siyang minasahe ni Ogie. Talagang iyak daw siya nang iyak.

“Nakakatuwa ‘yung first time niya ako minasahe, umiiyak ako the whole time. Not because kasi masarap ‘yung massage.

“I was very touched that he was doing that for me and I know he’s tired. He came from taping the whole day and he was giving me massage. So parang ‘are you serious?’

“So, nandoon ako umiiyak ako talaga, hindi dahil masakit ‘yung ulo ko but I was just deeply touched by the gesture, the effort,” pagbabahagi ni Regine.

Naaliw naman kami sa comment ni Sunshine Dizon na guest din nang araw na ‘yun.

“Parang ako ‘yung gustong umiyak, eh. Sana all,” wika ni Sunshine at nagkatawanan silang lahat.

NANGUNA

Ang TFC pa rin ang pinaka-pinanonood sa mga multicultural Asian household sa Amerika para sa buwan ng Hunyo at Hulyo 2021, ayon sa datos ng Comscore, ang nangunguna at pinagkakatiwalaang source ng TV viewing data sa U.S.

Ang channel ng ABS-CBN sa ibang bansa na TFC ay patuloy na nangunguna at mas pinipiling panooring Filipino channel ng subscribers sa U.S.

Ang FPJ’s Ang Probinsyano, Huwag Kang Mangamba, Init sa Magdamag, La Vida Lena, Everybody Sing, #NoFilter at TV Patrol Global Edition ang mga nangunguna sa top 20 programs ng Comscore.

Para sa buwan ng Hunyo, 18 sa Top 20 shows ay galing sa TFC. Habang noong Hulyo, 19 sa mga programa ng TFC ang nasa Top 20 shows at isang show lamang galing GMA Pinoy TV ang nakapasok na pang-17 sa listahan.

Nanguna rin ang TFC sa mayroong pinakamaraming naaabot na kabahayan o households sa Asian networks, at sinundan lamang ng Sony Entertainment TV Asia (Southeast Asian) at GMA Pinoy TV (Filipino).

Kung oras naman ng panonood o viewing hours ang pag-uusapan, TFC din ang nakakuha ng pinakamaraming oras ng panonood sa multicultural Asian households o kabahayan.

Mas mataas ng 38 percent ang oras ng panonood sa TFC ng bawat kabahayan sa Asian network kumpura sa susunod na TV network noong Hunyo.

Nakapagtala ang TFC ng 58 oras na panonood sa bawat kabahayan, kumpara sa 42 oras na panonood kada household para sa GMA Pinoy TV.

Nitong Hulyo, ang TFC pa rin ang pinipiliping channel ng Filipino subscribers, kung saan nasa 193,000 households o kabahayan ang nanonood dito, kumpara sa GMA Pinoy TV na mayroon lamang 159,000 na nanonood.

Ipinakita rin sa data ng Comscore na para sa Hunyo at Hulyo, mas maraming manonood ang nakatutok araw-araw sa TFC kumpara sa GMA Pinoy TV sa mga “critical day parts.”

Pahayag ni ABS-CBN North America Managing Director Jun del Rosario: “Natutuwa kami na base sa ipinakitang datos ng Comscore, nangunguna ang TFC kung ikukumpara sa ibang channels sa kaparehong kategorya. Kung pagbabasehan ang datos mula sa Comscore at aming viewing metrics sa digital platforms, makikita na ang dami ng manonood ng TFC sa U.S. ay kapareho rin ng dami sa Europe, Middle East, at Asia Pacific. Tulad na lamang ng Ang Probinsyano na nasa top 10 programs namin mapa-cable, satellite, at digital platforms man tulad ng iWant sa North America, EMEA at APAC. Makikita rito kung gaano kalaki ang dating ng TFC shows sa mga Pilipino sa iba’t ibang panig ng mundo.”

Nakipag-partner ang ABS-CBN TFC sa Comscore nitong unang bahagi ng taon para mas makilala ang mga manonood sa America base sa TV audience measurement o pinapanood nila sa telebisyon.

AUTHOR PROFILE