BINI3

Red Velvet, BINI, BGYO at Lady Pipay, bibida sa advocacy concert

June 14, 2022 Ian F. Fariñas 245 views

HANDA na ang lahat para sa advocacy concert na hangaring i-promote ang mental health awareness para sa mga taong may special needs. Ito ay pinamagatang Be You! The World Will Adjust (An Extraordinary Celebration For People With Special Needs) sa Hulyo 22 (Biyernes, 7 p.m.) sa SM Mall Of Asia Arena sa inisyatibo ng Purpose International Training Institute Inc.

Gumagawa at nagbibigay ang In Purpose International Training Institute Inc. ng mga tutorial training na nakasentro sa mga programa para sa skills development at special education para sa mga taong may special needs.

Sa pamamagitan ng tagline na #YesToInclusion, layunin ng event na ipag-diwang ang diversity, individuality at kalayaan ng self-expression lalo na sa mga taong may special needs.

Nais din nitong lumikha ng isang bukas at ligtas na espasyo para ma-express ng lahat ang kanilang mga sarili at ipagdiwang ang buhay, lalo na sa gitna ng mahirap na buhay dulot ng pandemya.

Sa ilalim ng direksyon ni Alex Magbanua, bibida sa concert ang Korean all-girl pop group na Red Velvet kasama ang homegrown Pinoy artists na BGYO, Bini, Aeron Mendoza at Lady Pipay.

Ipapakita rin sa concert ang inspiring testimonials na nag-aangat sa mga eksperyensa ng mga taong may special needs.

AUTHOR PROFILE