Posas

Rape suspek huli sa San Juan, Batangas

January 20, 2024 Jojo C. Magsombol 118 views

KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas–Tiklo kamakailan ang isang rape at sexual assault suspek sa Brgy. Mabalanoy, San Juan, Batangas.

Ayon kay Batangas police director P/Col. Samson Belmonte, 35-anyos ang suspek at residente ng Brgy. Malapad na Parang, Lobo, Batangas.

Nadakip ang suspek ng Lobo police sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court (RTC) Branch 87 ng Rosario, Batangas.

Walang inerekomendang piyansa sa kasong panghahalay subalit may ine-rekomend na piyansang P150,000 para sa sexual assault.

AUTHOR PROFILE