Default Thumbnail

Rape suspect huli

October 2, 2022 Jonjon Reyes 274 views

NAHAHARAP sa kasong statutory rape ang isang empleyado umano ng Metro Manila Development Authority ( MMDA matapos arestuhin ng mga tauhan ng Manila Police District- Pandacan Police Station 10 sa Barangay 872 , Pandacan , Manila , madaling araw nitong Sabado.

Ayon kay Police Luetenant Colonel Maria Agbon, ang suspek ay 26 anyos, binata at taga-Pandacan , Manila.

Base sa ulat ni Police Leutenant Ramel Lucero, ng Station Investigation Division Manegement Group, at Police Leutenant Vanny Ortiz, ng Station TrackerTeam at ni Police Leutenant Jonna Herrera ng Station Warrant of Arrest Section, bandang 1:10 a.m. nang arestuhin ang suspek sa Acacia St., Barangay 872,Pandacan.

Ang suspek ay kabilang sa top 1 most wanted dahil sa panggagahasa umano sa isang menor de edad.

Ang suspek ay naaresto sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Manila Regional Trial Court Branch 29 Judge Aissa Salvador.

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng suspect.

AUTHOR PROFILE