Default Thumbnail

8 arestado sa illegal online sabong sa Tondo

October 2, 2022 Jonjon Reyes 532 views

WALONG individual ang inaresto ng District Special Operation Unit ng Manila Police District makaraang madiskubre ang iligal na online sabong sa loob ng Asuncion Public Market sa Tondo, Manila, Sabado ng gabi.

Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Degree ( PD) 1602 (Online Sabong)na inamiyendahan sa Republic Act 9287.

Base sa ulat ni Police Major Rommel Purisima, hepe ng DSOU ng MPD, bandang 11 p.m. nang salakayin ng mga otoridad ang loob ng palengke sa panulukan ng Asuncion at Zaragosa na sakop ng Barangay 1 Zone 1.

Isang 21 anyos na operator ng sabong ang kabilang sa mga natimbog. Ang ibang suspek ay nahuling tumataya sa nasabing sugal. Narekober sa raid ang P1,930.

AUTHOR PROFILE