Radio stations ng GMA, nangunguna sa Mega Manila
PATULOY pa rin ang pagiging number one ng Super Radyo DZBB at Barangay LS 97.1 sa Mega Manila, ayon sa pinakabagong data ng Nielsen Radio Audience Measurement.
Sa buong buwan ng Agosto, nanguna sa lahat ng AM stations ang Super Radyo DZBB 594 na nagtala ng 36.4 percent average audience share. Sinundan ito ng DZRH na nakakuha ng 32.2 percent.
Bukod sa paghahatid ng mga balitang walang kinikilingan, malaliman ding hinihimay ang mahahalagang isyu ng lipunan sa Super Radyo DZBB.
Umaga pa rin ang pinakamataas na rating block ng DZBB. Tuwing Lunes hanggang Biyernes, ang “Super Balita sa Umaga Nationwide” nina Mike Enriquez at Joel Reyes Zobel ang top-rating program nito samantalang “Super Balita Sa Umaga / Isyu Atbp.” nina Rowena Salvacion at Emil Sumangil ang nangunguna tuwing Sabado; at “Super Balita Sa Umaga” nina Kathy San Gabriel at Ralph Obina naman tuwing Linggo.
Para naman sa FM stations, hindi rin natitinag sa pagiging number one ang Barangay LS 97.1 Forever! na nakapagtala ng 31.1 percent average audience share – malayo sa 16 percent ng DZMB na nasa second spot.
Consistent pa ring nangunguna sa lahat ng FM programs ang “Barangay Love Stories” ni Papa Dudut. Bukod sa radyo, namamayagpag din ang podcast version nito na parehong nasa Apple Podcast at Spotify.
Mapakikinggan araw-araw ang Super Radyo DZBB 594 at Barangay LS 97.1 Forever!. Napapanood din sa GTV, at abroad sa GMA News TV, ang ilang DZBB programs sa ‘Dobol B TV.’ May live audio stream din ang mga istasyong ito online sa www.gmanetwork.com/radio.