Rabiya

Rabiya, ’di naniniwalang isinumpa ang lovelife

July 27, 2022 Vinia Vivar 246 views

Hindi naniniwala si Miss Universe-Philippines 2020 Rabiya Mateo na nagkakaroon ng curse sa lovelife ang mga beauty queen.

“Naku, ilang beses na ‘yang binato sa ‘kin,” sey niya sa panayam niya sa “Updated with Nelson Canlas.”

Matatandaan kasing nag-break si Rabiya at ang non-showbiz boyfriend niya matapos siyang manalo sa Miss Universe PH.

Ngayon naman, balitang-balita rin na may problema sila ng current boyfriend na si Jeric Gonzales.

Paliwanag ni Rabiya, “’Yung nangyayari kasi minsan, dahil nabi-busy ka na nga, nagiging iba na ‘yung priority list mo kasi nag-iiba talaga ‘yung buhay mo.

“Pero siguro, hindi naman siya nangyayari sa lahat. Pasuwertehan lang din talaga sa moment, pasuwertehan din sa partner.”

Dagdag pa niya, “You know what, ‘yung ex ko during that time, si Neil (Salvacion), he was so supportive. It was just mali lang din talaga ang timing.”

Magkaibigan pa rin daw sila ng kanyang ex.

“’Yun naman ‘yung proud ako do’n na in times na kailangan ko ng tao, nandiyan pa rin sila bilang kaibigan para protektahan ako, para ipagtanggol ako. Kasi, over-all, may pinagsamahan kayo, eh.

“And ‘yung ex ko, seven years kami and never naman siyang may sinabing masama about me,” sabi ni Rabiya.

Sa estado naman ng puso niya, sumusumpa ang beauty queen na happy siya ngayon.

“My heart now, I’m happy. Totoo ‘to, Nelson, ha? My life is not perfect but overall, I am being supported by real people. And kahit anuman ‘yung nangyari sa buhay ko, parang na-realize ko na overall, I’m blessed.

“At hindi dapat ako mag-focus sa mga maliit na…,” ani Rabiya.

Patuloy pa niya, hindi siya pwedeng ma-distract ngayon dahil marami siyang dapat gawin.

“Like new projects, the business, hindi ako pwedeng maging distracted. I need to move on, I need to move over, I need to move forward,” sey pa ng beauty queen.

BIYAHE SA KOREA, SINUSULIT

Hindi maikakailang naging solid ang samahan ng cast members ng pinakamalaking reality game show ng GMA na Running Man PH habang sila ay nasa Korea.

Bukod sa sinusulit nila ang pamamalagi sa bansa, makikita sa social media posts ng cast ang kanilang bonding tuwing may free time sila.

Sa latest Instagram post ni Glaiza de Castro, makikita ang group photo nilang lahat na may caption na “Always a fun time with this lot!”

Mukhang napapatibay na ng programa ang samahan ng cast members. Maapektuhan kaya ang goal nila para matalo ang isa’t isa sa challenges or focused pa rin sila na patumbahin at ipakita ang galing sa Running Man PH?

Abangan ang iba pang updates tungkol sa programa sa GMA Network at social media accounts ng cast members.

AUTHOR PROFILE