Joydarryl

Direk Darryl, nag-courtesy visit kay Mayor Joy

July 27, 2022 Ian F. Fariñas 310 views

Pormal na nagkaharap at nagkausap sina Quezon City Mayor Joy Belmonte at Maid in Malacañang director-writer Darryl Yap sa ginawang courtesy visit ng huli sa una kahapon.

Naging maayos naman ang pagkikitang iyon ni Mayor Joy at ni Direk Darryl na matatandaang idineklara bilang persona non grata sa QC sa pamamagitan ng approved resolution na na-file ni dating Konsehala Ivy Lagman.

Nag-ugat ang reklamo ni former Coun. Lagman sa umano’y walang pakundangang paggamit ni Direk Darryl sa seal ng QC government sa isang proyekto na in-upload online.

Ngayong nakapag-usap na sina Mayor Joy at Direk Darryl, sunod na aabangan ng publiko ang bonggang premiere showing ng MiM na nakatakdang idaos sa SM North EDSA The Block Cinemas sa Biyernes, July 29.

AUTHOR PROFILE