QCPD

QCPD vs Loteng

May 1, 2022 People's Tonight 159 views

2 huli sa akto

ARESTADO ang dalawa umanong kubrador ng loteng matapos maaktuhan ng pinagsanib na grupo ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) na nagpapataya kamakailan.

Ang operasyon ay kaugnay sa malawakang pag-aksyon na ikinasa ng QCPD laban sa lahat ng uri ng ilegal na sugal, batay na rin sa kautusan ni QCPD District Director Remus B. Medina

Sa ulat ni PLTCol. Melgar A Devaras ng District Special Operations Unit na isinumite kay DD Medina, nahuli sa akto ang mga suspek na tumatanggap ng pataya mula sa mananaya nito sa ikinasang operasyon sa kanto ng Road 20 at Pariñas St., Barangay Bahay Toro, Project 8, Quezon City dakong 7:30 p.m. nitong Abril 27.

Kinilala ang mga inaresto na sina J. Agno at E. Daniel habang tinatanggap umano ang taya sa pamamagitan ng GCash ng mga operatiba kasama ang PNP Anti-Illegal Gambling Task Force.

Batay sa ulat ng pulisya, dumagsa ang report sa DSOU mula sa mga residente ng nabanggit na lugar kaugnay sa operasyon ng loteng.

Ang mga naaresto ay sinampahan ng kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 as amended ng Republic Act 9287 o Illegal Numbers Game (‘Loteng’).

AUTHOR PROFILE