BBM Presidential frontrunner at dating senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

BBM: kalma, magkaisa!

May 1, 2022 People's Tonight 198 views

NANAWAGAN si presidential frontrunner at dating senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa kanyang milyon-milyong tagasuporta sa buong bansa at sa abroad na maging kalmado at magkaisa lalo na kapag nakaharap ang mga supporters ng katunggali niya mga halalan.

Sa isang pahayag, nanawagan si Marcos sa kanyang mga tagasuporta na huwag silang magpa-apekto at magpahati sa mga kaguluhan dulot ng halalan dahil kapag nakapili na ang mayorya ay wala nang magiging magkakalaban at magiging magkababayan ang lahat sa ilalim ng isang bandila.

Sinabi ni Marcos na di maiiwasang may manggulo at mabagabag ang kanilang kampo para lang sa mga sakim na dahilan ng ilan. Kasunod nito, pinayuhan niya ang kanyang mga tagasuporta na iwasang mabagabag at huwag gumawa ng ‘election rhetoric for personal attacks.’

“Panandalian lamang ito,” aniya.

Pinaalala ni Marcos na ilang araw lamang ay halalan na sa Mayo 9. Idiniin niya na matapos na ang kanilang paglalakbay at tatahak ang lahat ng bagong journey.

“Dumating tayo doon ng nasa mabuting kalagayan,” dagdag ni Marcos.

Narito ang buong pahayag ni Marcos:

“The election fever tends to make emotions run high. While we understand and appreciate the zeal of our supporters, we encourage everyone to exercise restraint especially when faced by supporters from rival candidates.

In choosing our next leaders we should not allow the divisive effects to harm one another. Rather we keep in mind that once the choice of the majority is made, we stop being adversaries and remember that we are compatriots under one flag.

Understand as well that there will be selfish interests who might agitate us in the hopes of fomenting violence or instability. We must resist such agitation, resist mistaking election rhetoric for personal attacks. They are temporary and we will be alright.

May 9 is days away, the democratic processes are in place. We are nearing the end of this journey and heading for a new one. Let us all arrive well.”

Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr.

AUTHOR PROFILE