Default Thumbnail

Pulis hinimatay sa gitna ng fun run, dedo

February 5, 2023 Zaida I. Delos Reyes 363 views

NAMATAY ang opisyal ng Philippine National Police (PNP) matapos himatayin sa gitna ng fun run nitong Linggo ng umaga sa Cebu City.

Nakilala ang nasawi na si Patrolman Lee Rodrocks Carbonilla, nakatalaga sa Regional Mobile Force Battalion sa Region 7.

Batay inisyal na ulat mula sa Police Regional Office (PRO)7 lumahok ang biktima sa isang fun run kung saan tatahakin ng mga dumalo ang Cebu Cordova Link Expressway (CCLEX) sa Cebu City.

Gayunman, habang tumatakbo ay hinimatay umano ang biktima kaya’t agad siyang isnugod sa pinakamalapit na pagamutan subalit hindi na ito umabot ng buhay.

Ayon sa attending physician, si Carbonilla ay nasawi dahil sa Acute Decompensated Heart Failure.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.