Queen

Prince Harry at Meghan limitado ang galaw sa selebrasyon ni Queen Elizabeth II

June 6, 2022 Aster Amoyo 413 views

Queen1Queen2

NAGTAPOS last Sunday, June 5 ang four-day celebration celebrating Queen Elizabeth II Platinum Jubilee being the longest-reigning monarch sa buong mundo now on her 70th year. Ito’y nagsimula nung nakaraang Huwebes, June 2 at nagtapos nung nakaraang Linggo, June 5 sa Buckingham Palace grounds.

Ang four-day historic activity ay dinaluhan hindi lamang ng royal family mula sa mga anak, in-laws, mga apo and great grandchildren kundi maging ng iba pang mga kilalang personalidad at ng local community. Kasama sa mga nag-perform ay sina Ed Sheeran at Cliff Richard.

Sa apat na araw na selebrasyon, dalawang beses lamang nakita si Queen Elizabeth II due to her mobility. Nagpakita siya sa unang araw last Thursday at nung nakaraang Linggo kung saan ay dumungaw siya sa balcony ng Buckingham Palace kasama ang kanyang panganay na anak na si Charles, Prince of Wales (next heir to the crown) at misis nitong si Camilla, Duchess of Cornwall, ang kanyang eldest grandson na si Prince William, Duke of Cambridge, wife Kate, Duchess of Cambridge at tatlo nilang mga anak na sina Prince George (8), Princess Charlotte (7) at Prince Louis (4).

Although dumalo sina Prince Harry at Meghan Markle sa Platinum Jubilee celebration ni Queen Elizabeth II, hindi invited ang dalawa sa ibang activities tulad ng pagdungaw sa balcony ni Queen Elizabeth II at pagsakay sa carriage during the Jubilee parade kung saan nag-participate sina Prince Charles at Prince William. Ito’y dahil hindi na sila bahagi ng senior royal duties matapos nilang mag-step back para manirahan sa Amerika.

Marami rin ang nakapansin na may gap pa rin umano ang mag-asawang Prince Harry at Meghan sa royal family magmula nung 2021 interview ni Ophrah Winfrey.

Sa isang okasyon ng Jubilee celebration ay nakitang magkakasama ang tatlong couple na sina Prince Charles, Camille, Duchess of Cornwall, Prince William at Kate, Duchess of Cambridge at sina Prince Harry at Meghan, Duke and Duchess of Sussex, their first time in over two years.

Samantala, ang second at bunsong anak nina Prince Harry at Meghan na si Lilibet Diana ay nag-one-year-old last Saturday, June 4. Pero sa halip na magkaroon ng marangyang selebrasyon sa gitna ng Jubilee celebration, ginawa itong pribado ng mag-asawa kasama ang panganay nilang si Archie Mountbatten-Windsor. Pero nagpaabot ng pagbati kay Lilibet sa pamamagitan ng social media sina Queen Elizabeth II, Prince Charles, Camille, Duchess of Cornwall at ang mag-asawang Prince William at Kate, Duchess of Cambridge.

Maraming selebrasyon sa Buckingham Palace na may kinalaman sa Jubilee celebration ang hindi dinaluhan ng mag-asawang Prince Harry at Meghan.

Pagkatapos ng celebration ay agad bumalik ng Amerika sina Prince Harry at Meghan kasama ang dalawang anak.

Samantala, si Queen Elizabeth II ay kinoronahan bilang reyna nung June 2, 1953 sa Westminster Abbey in London, isang taon matapos sumakabilang buhay ang kanyang amang si Prince Albert, Duke of York who later became George VI. She was only 25 years old nang siya’y maging reyna.

Ang husband ni Queen Elizabeth II na si Prince Philip, Duke of Edinburgh ay sumakabilang-buhay nung April 9, 2021. Sila’y nagkaroon ng apat na anak na sina Charles, Prince of Wales; Prince Edward, Duke of York, Anne, Princess Royal at Prince Edward, Earl of Wessex.

Si Prince Charles ang susunod na magiging king sakaling wala na ang kanyang inang si Queen Elizabeth II. Susunod naman kay Prince Charles ang kanyang panganay na anak na si Prince William na susundan ni Prince George, panganay na anak ni Prince William at Kate, Duchess of Cambridge.

Angeline ipinagtanggol ang live-in boyfriend

KUNG noon ay ayaw ipakilala ng Kapamilya singer-actress na si Angeline Quinto ang kanyang non-showbiz boyfriend na si Nonrev Daquina, ngayon ay bukas na ang relasyon ng dalawa magmula nang ipagbuntis at ipanganak ang kanilang unang supling na si Sylvio Quinto Daquina.

Si Sylvio ay bunso at kaisa-isang anak na lalake ni Nonrev dahil may nauna siyang tatlong anak na pare-parehong girls sa dalawang magkaibang babae. Dalawa sa una at isa naman sa pangalawa.

Pinabulaanan naman ni Angeline ang mga lumabas na balita na pera lamang niya ang habol ng kanyang boyfriend at ama ng kanyang anak.

Dati umanong nagta-trabaho sa isang hotel casino si Nonrev at ngayon ay nago-online business.

Inamin naman ni Angeline na nag-iba umano ang kanyang priority sa buhay nang siya’y magkaanak. Si Baby Sylvio umano ngayon ang sentro ng kanyang buhay lalupa’t wala na ang kanyang Mama Bob, her adopted mother na siyang nag-alaga sa kanya magmula nang siya’y isilang.

Umaasa si Angeline na sana’y magtagal ang kanilang relasyon ni Nonrev laluna ngayong may anak na sila.

Sa kabila ng kanilang pagkakaroon ng anak, hindi pa rin sumasagi sa kanilang usapan ang kasal.

Samantala, bumalik na si Angeline sa “ASAP Natin `To” last Sunday at winelcome siya ng kanyang mga kasamahan sa programa.

Derek

Derek proud dad kay Austin

PROUD dad ang actor-athlete at businessman na si Derek Ramsay sa kanyang almost 18-year-old son (sa kanyang ex-wife na si Mary Christine Jolly) na si Austin Ramsay who graduated from high school last Saturday, June 4 sa Southville International School and Colleges in Las Pinas City.

It was only in 2018 nang mag-move si Austin from Dubai (where his mom is based) to stay with his dad and his present wife na si Ellen Adarna at anak nitong si Elias (turning 4 this June 27).

Magkasama ang mag-asawang Derek at Ellen na dumalo sa graduation ni Austin.

Austin only started calling Derek dad nung isang taon dahil lumaki ito most of his life na ang mother niya ang kanyang kasama at nagpalaki sa kanya.

Baron binati ng misis kahit hiwalay na

HIWALAY man sa ngayon ang actor na si Baron Geisler sa kanyang misis na si Jamie Evangelista kasama ang kanilang two-year-old daughter na si Talitha Cumi, hindi nakalimot ang kanyang misis na siya’y batiin sa kanyang ika-40th birthday nung nakaraang linggo, June 5.

Hopeful ang Viva actor na magkakabalikan pa rin sila ng kanyang misis pero kailangan niya munang ayusin ang kanyang sarili.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebood@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE