Markki

Markki, may payo sa mga nagdurusa sa ADHD

June 5, 2022 Vinia Vivar 99 views

Hanga kami kay Markki Stroem sa sinabi niyang hindi niya hinahayaang makaapekto ang kanyang Attention Deficit Hyperactivity Disorder o ADHD sa trabaho niya bilang aktor.

Matatandaan na last year ay inamin ng aktor that he’s suffering form ADHD at muli itong napag-usapan sa online mediacon ng serye niyang Love at the End of the World mula sa Vivamax.

“My ADHD was such a detriment sa akin dati. Nahirapan talaga akong mag-memorize ng lines, mag-focus,” sey ni Markki.

Over the years ay natutunan daw niya kung paano i-train ang sarili para makapag-focus at ito rin ang ipinapayo niya sa mga taong may ganitong kapansanan.

“Dahil love ko ang ginagawa ko, especially sa lahat ng mga ADHD people who were suffering, people in the spectrum who have the problem of lack of focus, it’s something that you can train on a regular basis,”

“If some people will sit and memorize their lines like mabilisan lang, ako, if I get my script in advance every day, babasahin ko ’yun.

“Everyday, hahanap ako ng lahat ng mga kailangan kong sabihin in a certain way kasi natatakot ako na baka makalimutan ko on set or baka may mangyari na iba,” pagbabahagi ni Markki.

“Na-trauma rin kasi ako dati, and after so many years of experience, it has become so much easier now to memorize things. I’ve only realized this recently when I did All-Out Sundays (weekly variety show ng GMA). I had to do musical on the spot so kailangan aralin ’yung mga song, yung steps, ’yung scenes in one day.

“Three episodes ’yun, and nu’ng nagawa ko ’yun, sabi ko, ‘Parang kaya ko ito. Parang kaya ko ito in the long run na gawin.’ Kaya ko uling gumanap sa teleserye. Kaya kong bumalik sa movies. At the end of the day, ADHD became my super power.

“Sometimes you see ADHD as something that would be a detriment to you but if you look at some of your downfalls and some of your strengths, you can use it to your advantage,” he said.

“Ang positive traits of having ADHD, obviously, is kaya kong gawin lahat from morning to evening!

“May energy ako the whole day! Kaya kong mag-morning show. Kaya kong maging entrepreneur, kaya kong maging theater actor, kaya kong maging kung anu-ano left and right.

“And I can do it to the best of my abilities kasi gustung-gusto ko yung ginagawa ko,” paliwanag pa ng aktor.

Payo niya sa mga tulad niyang nagdurusa sa ADHD at natatakot umamin sa ibang tao, “You can talk, there are other people that you can talk to. If you’re suffering and you don’t know how to deal with certain things, message me on Instagram.”

Samantala, isa sa mga latest projects ni Markki ay ang Love at the End of the World na isang Boys Love erotic suspense drama series mula sa direksyon ni Shandii Bacolod.

Bida rin dito sina Khalid Ruiz, Kristof Garcia, Rex Lantano, Elijah Filamor at Yam Mercado.

Napapanood na ito ngayon sa VivaMax Plus at coming soon sa Vivamax.

AUTHOR PROFILE