Pokwang Larawan mula sa IG/@itspokwang27

Pokwang nag-request ng afam kay Eugene: ‘Sis, hanapan mo naman ako’

December 11, 2023 People's Tonight 184 views

IBINUKING ng ‘Comedy Star for All Seasons’ na si Eugene Domingo na humingi ng request sa kanya ang actress-comedienne na si Pokwang na hanapan niya ito ng afam sa ibang bansa.

Matatandaang kinumpirma ni Uge na ikinasal na siya sa Italy kung saan nakatira ang kanyang husband na film critic na si Danilo Bottoni.

Sa panayam kasama ang actor-comedian at entertainment reporter na si Ogie Diaz, napag-usapan nila ang naging request ni Pokwang sa kanyang ‘Becky and Badette’ co-star.

“Maganda ‘yung ginagawa ni sis Uge na magtatrabaho ako, pam pam pam pam and then stop, then ikaw naman,” sey ng ‘TiktoClock’ host.

“So ‘yun din ang pangarap mo?” saad naman ni Ogie.

“‘Yun din ang gagawin ko kung sakaling may dumating,” wika naman ni Pokwang.

“Ah wala pang dumarating?” tanong pa ni Ogie.

“Nasa London pa,” hirit naman ng actress-comedienne.

Dito na isiniwalat ni Eugene ang hiling sa kanya ni Pokwang.

“Gusto niya ‘yon. Sabi niya, ‘Sis, hanapan mo naman ako ha. Gusto ko ano, British o kaya Spanish, Italian.’ Sabi ko, ‘Oh, sige,” pahayag niya.

“Parang nag-request ka lang ng rubber shoes. Sige sige, hahanapin ko, dadalhin ko,” pabirong hirit pa ni Uge.

Matatandaang noon lang Nobyembre 29 sumalang sa fast talk ni Boy Abunda si Pokwang at natanong siya kung gusto pa raw ba niyang magka-boyfriend ng afam.

Mabilis na sinagot ng comedienne-actress na ayaw na niya. Itinaas pa nga niya ang kanyang daliri at ipinormang ekis, tanda na hindi na niya gusto.

Career din ang pinili ni Pokwang kaysa lalaki. Ayon pa sa kanya ay nais muna niyang pagtuunan ng pansin at paglaanan ng oras ang kanyang mga anak kaysa makipagrelasyon sa iba.

Nang tanungin naman kung bitter pa ang komedyana sa kanyang ex, napaisip ito pero sinabi niyang nasa ‘middle.’

Noong Hunyo ay matatandaang nagtungo si Pokwang sa Bureau of Immigration upang mag-file ng petition para ipa-deport ang kanyang ex-partner.

AUTHOR PROFILE