Lovely Larawan mula sa IG/@lovelyabella_

Lovely Abella nag-birthday nang may COVID

December 11, 2023 People's Tonight 152 views

IPINAGDIWANG ng aktres na si Lovely Abella ang kanyang ika-38 kaarawan nang may iniindang COVID-19.

Sa kanyang Instagram page, ibinahagi ni Lovely ang ilang larawan kung paano nila ipinagdiwang ang kanyang birthday.

Makikita sa mga larawan na kasama ng aktres ang kanyang pamilya na may suot na face mask habang si Lovely ay nasa kama, hihipan ang kanyang birthday cake.

Sey ni Lovely na tinamaan ng COVID-19 ang kanyang buong pamilya at ang tangi niyang hiling sa kanyang kaarawan ay gumaling sila sa sakit.

“Praise God for another year,” saad ng aktres.

“Wish ko lang Lord gumaling na po ang buong pamilya ko sa covid na to, higit sa lahat si Liam praying na hindi mahawa ng tuluyan,” pagpapatuloy pa niya.

“Yung fever niya dahil sa vaccine niya, happy ako na malakas ang anti bodies ko kaya nalalabanan ni Liam ang virus,” wika pa ni Lovely.

“And thank you pa din Lord kasi hindi kami sa HongKong nagkasakit,” aniya pa.

Binati naman ng netizens si Lovely para sa kanyang kaarawan.

“Awww praying for healing for you and the whole family.”

“Happy birthday ga. Praying for fast recovery.”

“Praying po. Happy blessed birthday.”

AUTHOR PROFILE