Cathy Larawan mula sa IG/@kaybash1326 at @supremo_dp

Direk Cathy gusto ituloy KathNiel reunion movie

December 11, 2023 People's Tonight 154 views

GUSTO pa ring matuloy ng direktor na si Cathy Garcia-Molina ang muling pagsasama ng dating magkasintahan na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa isang pelikula na siya ang magdidirek.

Ayon sa panayam sa Star Magic screening ng pelikulang ‘Toss Coin,’ paglilinaw ni Direk Cathy na ayos lang daw na hindi muna magawa sa ngayon ang reunion movie nila ng KathNiel.

“I am not closing my doors doon sa project na yun. Kasi syempre, who wouldn’t want a KathNiel movie? But maybe, pwedeng ma-delay, pwedeng mausog lang naman,” sey ng direktor.

“At the end of the day, it’s the call of the management and KathNiel themselves. Basta ako nandito lang ako if they need me to do the film, of course,” dagdag pa niya.

Matatandaang idinawit ng ilang netizens si Direk Cathy sa isyung hiwalayan ng KathNiel bago pa man ianunsyo ng dalawa noong Nobyembre 30 na opisyal nang tapos ang kanilang 11-taong relasyon.

Sa kanyang Instagram page noong Nobyembre 22, ibinahagi ng ‘Hello, Love, Goodbye’ director ang isang screenshot kung saan in-unfollow niya umano si Daniel sa IG.

Pinabulaanan ni Direk Cathy ang alegasyon at nilinaw kung bakit niya ba hindi pina-follow ang aktor noon pa man.

“Mga bakla huwag niyo na po ako idamay dito,” sey ng direktor sa caption ng kanyang post.

“Wala talaga kayong makikitang supremo dj sa followed ko kasi hindi ko naman siya fina-follow noon pa. Di ko alam totoong account niya kasi. 20 nga lang fina follow ko e. Noon pa,” pagpapatuloy pa niya.

“E kasi naman po, pareho kong lab yun. Huwag na gawan issue. Saka hindi ko fina-follow si Dj kasi di naman ma-post yun e. Alam niya yun.

Hehe,” aniya pa sa comment section ng post.

Ilan sa mga pelikula kung saan nakatrabaho ni Direk Cathy sina Kathryn at Daniel ay “She’s Dating the Gangster” at “The Hows of Us” kung saan siya ang naging direktor.

AUTHOR PROFILE