Jenpooch

‘Pinoy Henyo’ creator, nagsalita na!… isyu sa ‘EB’ segments, ipinaubaya sa abogado

June 21, 2023 Ian F. Fariñas 562 views

SA kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita na ang creator ng Pinoy Henyo, isa sa mga sikat na segments ng original Eat Bulaga sa GMA-7, tungkol sa isyu ng pagmamay-ari nito.

Sa idinaos na mediacon ng TVJ on TV5 nitong Martes, sinabi ni Jeny Ferre, dating headwriter ng EB na tumatayong officer-in-charge of production ng bagong tatag na TVJ Productions, Inc., siya ang may-ari nito.

“Of course! I created them,” diin niya. “Pinoy Henyo, it was Poochie (Rivera, direktor ng show) and I.”

May ilang naggigiit na pag-aari ito ng producer na TAPE, Inc. kahit nakapangalan sa kanya pero ang mabilis na tugon ni Jeny, “Ay, hindi ko alam. Let our lawyers handle it. But I know in my heart and the people in production know that I created it. So I was asking, ‘can you refute? Can anybody from production refute?’ because I created that. Wala, I mean, sila lang ‘ata ‘yung hindi alam ‘yung… basta our lawyers are handling it.”

Siniguro naman ni Tito Sotto na bitbit nila ang nasabing portion sa sisimulang show sa TV5 sa July 1.

“Yeah, oo,” pagsang-ayon ni Jeny.

So, hindi ito pwedeng gamitin ng Jalosjos family sa bagong Eat Bulaga?

Sagot niya, “There are laws that will speak and answer that question. So iniiwan natin ‘yan sa batas. Okay lang,” sabay senyas ng thumbs up.

Sa mga hindi nakakaalam, kabilang sina Jeny at Direk Poochie sa mga unang gustong tanggalin ng pamilya Jalosjos sa “rebranded” Eat Bulaga.

Nauna sa kanila ang dating TAPE, Inc. president na si Antonio “Tony” Tuviera.

Nang magdesisyon ang TVJ na kumalas sa TAPE, Inc., si Jeny rin ang itinurong nakipag-usap sa TV5 execs para sa posibleng paglipat.

Ngayong nakapirma na sila ng investment contract sa Kapatid channel, “Well, this is exciting. I was telling them, this is very exciting. Okay lang, parang gusto lang nating magtrabaho. Ituloy gawin ‘yung mga mahal mong gawin, ‘di ba? Wala ito, trabaho lang,” saad ni Jeny.

AUTHOR PROFILE