Galunggong DA file photo

Pinas mag-iimport na rin ng galunggong? Bakit???!!!

January 23, 2022 People's Tonight 204 views

TulfoMAG-AANGKAT ng ilang metrkikong tonelada ng galunggong ang pamahalaan sa mga darating na buwan.

Ayon kay Department of Agriculture (DA) Sec. William Dar, ang pag-aangkat ng naturang isda ay para mapunan daw ang supply nito sa merkado matapos hagupitin ng bagyon odette ang bansa at ang taunang “fish ban” na nakaapekto sa industriya ng pangingisda.

Marami ang agad na umalma sa plano ni Sec. Dar, lalo na ang mga mangingisda, dahil tiyak daw na papatayin na naman ng mga imported na galunggong sa presyo ang mga galunggong na huli sa ating mga karagatan.

Kaya ang kawawa rito ay ang ating mga mangingisda na tiyak mawawalan o mababawasan ng kita tulad ng nangyayari sa ating mga magsasaka dahil sa patuloy na pag-angkat ng bigas mula sa ibang bansa.

Ang tanong tuloy ng ilan kay Ginoong Dad, mamamatay ba ang mga Pilipino kapag hindi nakakain ng galunggong?

Pero tiyak ang sagot ng DA ay mura at affordable daw kasi ang isdang ito.

Pero ang bangus, lalo na ang tilapia hindi ba’t mura din naman ang por kilo, Sec. Dar?

Masarap din naman ang mga ito at maraming luto ang pwedeng gawin bukod pa sa ito’y abot kayang bilihin rin nila Juan at Maria.

Hindi mo tuloy masisi ang ilang kababayan natin na makapag-isip ng masama hinggil sa planong importasyon ng galunggong ng gobyerno.

Nariyan ang bulong-bulungan na pagkakakitaan lamang daw ito ng ilang negosyante at mga opisyal ng DA.

Bagamat ramdam na raw ang pagsirit ngayon ng presyo ng galunggong sa mga palengke, hindi pa rin daw solusyon ang pag-import nito.

Ayon sa isang grupo ng mangingisda, ang pambansang lakas ng kilusang mamalakaya o pamalakaya, “price control” ang solusyon at hindi importasyon.

Halimbawa sa Palawan, naglalaro ang preyo sa P60 hanggang P80 ang kilo. Pero dito raw sa Metro Manila ay nasa P250 na ang kilo ng galunggong.

Babagsak daw tiyak ang presyo nito kapag dumating na ang mga imported ng “gg” pero ang tanong paano na lang ang mga mangingisda nito? Wala na namang kikitain daw!!!

At tulad ng mga magsasaka ng bigas, nganga sa tuwing darating ang mga imported na bigas.

Nawa’y pag-isipan ni Sec. Dar ang bagay na ito at maghanap ng ibang solusyon na kapwa ang mga mangingisda at konsumer ang mananalo at hindi ang bulsa ng mga importer at ilang opisyal ng DA at Bureau of Customs. Ni Erwin Tulfo

AUTHOR PROFILE