PPE Pormal na tinanggap ng iba’t ibang hospital ang mga idinonate na PPE ng Philippine Fujian General Youth Association Inc./International Youth Business Silk Exchange Association. Kuha ni JON-JON REYES

Philippine Fujian General Youth Ass’n nag-donate ng PPE sa 4 na Mla hospitals

October 23, 2021 Francis Naguit 234 views

PORMAL na i-tinurn over ng Philippine Fujian General Youth Ass’n Inc./ International Youth Business Silk Exchange Ass’n silk ang mahigit sa 2,000 na PPE sa iba’t ibang hospital sa Maynila.

Kabilang sa mga recipients ang Manila Doctors Hospital, Chinese General Hospital, Metropolitan at Jose Abad Santos Hospital sa Binondo, Manila.

Ang donation ay pinangunahan nina Andy Co, past president, Lucio Ang, president, Benjamin Tan, Vincent Chan, Chairman Jeff Lao at iba pang miyembro ng nasabing grupo,.

Layunin ng grupo ang tumulong sa iba’t ibang hospital sa lungsod ng Maynila sa pamamagitan ng pag-dodonate ng Iba’t ibang mga gamit katulad ng PPE, face mask, alcohol at iba pa.

Lubos ang pasasalamat ng mga hospital na nabiyayaan ng mga medical supplies dahil malaking bagay sa kanila ang mga ganitong kagamitan lalo na ngayon nasa panahon pa rin tayo ng pandemya. By FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE