Fuel

Petroleum products gagalaw sa Martes

March 18, 2024 Edd Reyes 89 views

MAGBABABA ng katiting ang presyo ng diesel pero tataas ang presyo ng gasolina simula 12:01 ng Martes, ayon sa ilang oil firms.

Sa abiso ng Chevron Philippines at ng Clean Fuel, magtatapyas sila ng 10 sentimos sa kada litro ng krudo pero tataas ang presyo ng gas ng parehong presyo epektibo ng alas-12:01 ng madaling araw ng Martes, Marso 19, 2024.

Ganito rin ang adjustment ng Petron Corporation, Pilipinas Shell, Seaoil Philippines at Flying V pero effective after 6 hours pa o alas-6:00 ng umaga. Sa Chevron, walang paggalaw sa presyo ng kanilang kerosene.

Naglabas din ng magkakahiwalay na abiso ang mga maliliit na kompanyang PTT Philippines, Unioil, Petro Gazz, Total Philippines, Phoenix Petroleum at Eastern Petroleum na pawang hindi nagbebenta ng kerosina ng kahalintulad na dagdag-bawas sa presyo ng kanilang gasolina at diesel na epektibo ng alas-6 ng umaga.

AUTHOR PROFILE