PNP Source: PNP

Police exec na vinideo katalik floating status

March 18, 2024 People's Tonight 123 views

KINUMPIRMA ng tagapagsalita ng Philippine National Police (PNP) na sa kasalukuyan ay floating status ang police colonel na nagkalat ng maselang video ng kaniyang pakikipagtalik sa dati niyang nakarelasyon na ginang.

Sa isang press briefing sa Camp Crame, sinabi ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo na Hulyo pa ng nakaraang taon ay sinibak na sa kaniyang puwesto ang hindi pa napapangalanang opisyal.

Bagaman tumanggi si Fajardo na pangalanan ang nasabing opisyal ay sinabi nito na may nakabinbin na kasong kriminal laban dito.

“What I can confirm is there was a criminal case filed against a police officer but as to the facts and circumstances, I hope you understand this is a sensitive matter. It involves a violation of some laws that would require, once I identify the respondent baka ma-identify ‘yung victims. So because the case is very sensitive we opt not to identify the police office involved out of, again nasa korte na ‘yan,” ayon sa tagapagsalita.

Sa kasalukuyan ay nakadestino umano ang nasabing opisyal sa personal holding and admin unit.

Tumanggi na si Fajardo na magbigay ng detalye tungkol sa opisyal na nasasangkot sa kontrobersiya.

“Again, I cannot give more details as to the personal circumstances of that particular officer kasi nga once I identify and give his previous assignment this might lead to the identification nung babaeng biktima at siya ‘yung iniingatan natin dahil medyo sensitibo ‘yung mga kaso at kaya nga even doon sa mga court processes ay hindi in-identify ‘yung biktima natin out of respect sa kaniyang privacy dahil sensitibo itong kaso,” dagdag ni Fajardo.

Tiniyak naman ng tagapagsalita ng PNP ang pagiging transparent nito.

“The PNP will be transparent kung mabibigyan na tayo ng clearance to reveal more facts concerning this case but ang PNP mismo ang tumutulong din doon sa biktima para mafilan ng kaso and immediately nung naipagbigay alam niya ito sa PNP authorities ay ni-relieve nga itong pulis na ito pending investigation at kinasuhan din siya ng administrative case that is separate doon sa criminal case na hinaharap niya sa prosecutor’s office,” ani Fajardo.

Ang nabanggit na kaso ay bukod pa sa mga reklamong isinampa sa Quezon City Prosecutor’s Office laban sa nasabing opisyal.

Matatandaan na isang ginang ang nagsampa ng patong-patong na reklamo laban sa isang mataas na opisyal ng PNP matapos umanong kuhanan ng video ang kanilang pakikipagtalik at ipinadala ito sa anak at asawa ng biktima.

AUTHOR PROFILE