Loren1

PDP-Laban todo suporta kay Legarda

March 18, 2022 People's Tonight 136 views

OPISYAL nang inendorso ng ruling party Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) si Deputy Speaker Loren Legarda na nagbabalik-Senado sa ilalim ng UniTeam Alliance.

Ayon kay PDP-Laban Secretary General at Cabinet Secretary Melvin Matibag, isa si Legarda sa 12 kandidatong opisyal na susuportahan ng partido sa darating na halalan sa Mayo. Aniya, ang mga adbokasiya ni Legarda, lalo na sa pangangalaga ng kalikasan, ay bahagi sa 11-point agenda ng ruling party.

Layunin umano ng PDP-Laban endorsement na ipaalam sa lahat ng kanilang kasapi at supporters sa buong bansa ang lubos na suporta ng partido sa kandidatura ni Legarda na dating nagsilbi sa Senado ng tatlong termino, paliwanag ni Matibag.

Bago ang official endorsement ng PDP-Laban, personal nang inendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kandidatura ni Legarda.

Ayon sa Pangulo, bago pa man sumabak sa pulitika, may track record na si Legarda sa ‘serbisyo- publiko.’

Labis namang ikinasiya ni Legarda ang suporta ng Pangulo at PDP Laban. Aniya, ang personal na suporta mula sa Pangulong Duterte ay lalong nagpapalakas sa kanya upang magpursigi at isulong ang kapakanan ng mga maliliit at walang tinig na mga Filipino.

AUTHOR PROFILE