OP

PBBM sa OP employees: Maging ehemplo ng excellence, integrity at compassion

March 23, 2024 Chona Yu 84 views

HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga empleyado ng Office of the President na maging ehemplo ng excellence, integrity at compassion.

Sa mensahe ni Pangulong Marcos sa ika-127 anibersaryo ng OP na binasa ni Executive Secretary Lucas Bersamin, sinabi nito na dapat palakasin pa ang commitment sa pagbibigay ng mapayapa at produktibong pamumuhay.

Pangako ni Pangulong Marcos, patuloy ang kanyang suporta sa mga empleyado para masiguro ang magandang kinabukasan ng mga ito.

“On this day, let us renew our commitment to giving the Filipino people a life that is peaceful and productive,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Hinikayat ni Pangulong Marcos ang mga emoleyado na maging inspirasyon at itaguyod ang Bagong Pilipinas para maipasa sa susunod na henerasyon.

“This Administration remains fully committed to providing you with the support, resources, and opportunities necessary for your welfare and advancement. Happy 127th Anniversary to all of us here at the Office of the President,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Paalala pa ni Pangulong Marcos sa mga empleyado na sila ay “one team, one family.”

“Many of you here work in anonymity and behind the scenes, but your labors impact the lives of millions, and all are important to the nation. To be an OP employee is both a source of pride and a burden. They look up to you as civil service’s elite, the paragons of hard work and honesty,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“The OP has historically been viewed as the template of efficiency, discipline, and excellence in public service. Every day, we strive to live up to these expectations. I know that you belong to a professional corps of civil servants, so it does not matter to me what God you worship, what political beliefs you embrace, for as long as these do not get in the way of your work,” dagdag ng Pangulo.

AUTHOR PROFILE