Default Thumbnail

Payment firm, nakakuha ng hustisya sa infringement case

October 9, 2023 Edd Reyes 219 views

NAKAKUHA ng hustisya ang isang payment kiosks firm matapos manalo sa isinampa nitong infringement at unfair competition case laban sa isa pang kompanya sa Regional Trial Court ng Parañaque City.

Ito’y makaraang maglabas ng desisyon si Judge Noemi Balitaan ng Parañaque RTC Branch 258 kung saan inatasan nito ang Electronic Transfer and Advance Processing Inc. (E-TAP) na bayaran ang Manila Express Payments System (MEPS) ng nasa P3 milyon bilang exemplary damages at hiwalay na P200,000 bilang attorney’s fees.

Pinababayaran din ng korte sa E-TAP ang nagastos ng MEPS sa pagsasampa ng kaso laban dito.

Batay sa 34-na pahinang desisyon na may petsang September 26,2023 na inilabas sa media ng Lunes, sinabi ni Balitaan na napatunayan ng MEPS na pineke o kinopya umano ng E-TAP ang kanilang sistema.

Sa kanyang ruling, sinabi ni Judge Balitaan na base sa testimonya ng mga testigo at mga ebidensya, malinaw na ang makina ng E-TAP ay katulad lang din ng pag-aari ng MEPS at nagkakaiba lamang sa mga markings.

AUTHOR PROFILE