Luka Pansamantalang lumaya ang ang drag performer na si Pura Luka Vega ang ang tunay na pangalan ay Amadeus Fernando Pagente nitong Sabado.

MPD chief Dizon: Walang mas mataas sa batas ng tao, Diyos

October 9, 2023 Jonjon Reyes 339 views

Luka Vega may 3 kaso pa sa QC

HINDI pa rin ligtas sa pagkakakulong si Pura Luka Vega o Amadeus Fernando Pagente kahit na pansamantala itong nakalaya sa Manila Police District-Sta. Cruz police station 3 matapos magpiyansa ng P72,000 noong Sabado dahil may tatlong kasong kriminal pa itong kinakaharap sa Quezon City.

Matatandaang inaresto si Vega sa kanyang bahay sa M. Hizon St., Sta.Cruz, Manila noong Miyerkules dahil sa mga kasong Immoral Doctrines, Obscene Publications and Exhibitions and indecent Shows at paglabag sa Cybercrime Prevention Act.

Ayon kay Vega, pinaninindigan niya ang kanyang ginawa. “My intention was never to mock,” sabi ni Vega.

Ayon kay MPD Chief Police Brig. Gen. Andre P. Dizon, “Wala pong nilalang na mas mataas pa sa batas ng tao at sa batas ng Diyos. Basta ‘wag lalabag sa batas at dun lang dapat lulugar parati sa mga legal na gawain.

“Bagamat kinikilala ng sambayanan ang mga miyembro ng LGBTQ (lesbians, gays, bisexuals, transgenders, queer) hindi po ito passes para gawin nila ang gusto nila. Ika nga nila kailangan sa ‘yo o sa sarili mo magmumula ang respeto para respetuhin ka rin ng iyong kapwa tao,” sabi ng heneral.

Nag-viral sa social media si Vega dahil sa pagsusuot ng Poong Itim na Nazareno habang inaawit ang rock version ng “Ama Namin” may tatlong buwan na ang nakakaraan.

Ikinagalit ng iba’t-ibang religious groups ang ginawa ng drag queen kabilang na ang simbahan ng Quiapo.

AUTHOR PROFILE