Paolo

Paulo Avelino, to the rescue kay LJ

October 28, 2021 Vinia Vivar 100 views

LJTalagang dinayo pa ng King of Talk na si Boy Abunda si LJ Reyes sa Brooklyn, New York para makapanayam ang aktres nang personal.

Matatandaang kay Kuya Boy unang nag-open si LJ tungkol sa hiwalayan nila ni Paolo Contis sa pamamagitan ng virtual interview noong Setyembre.

Medyo maaliwalas na ang aura ni LJ ngayon kumpara sa first interview na talaga namang hindi matigil ang kanyang pag-iyak at kitang-kita mo ang pain na nararamdaman niya.

Ngayon ay nakakangiti na ang aktres at mukhang unti-unti na ngang nakaka-recover although sey nga niya ay hindi pa rin ganu’n kadali.

“I want to be honest there are days that I find it difficult to… ang hirap nito. Okay, nandito kayo ng mga bata. Kailangan kayanin mo. Halos minu-minuto akong nagdadasal. If not, may mga araw na I don’t feel okay,” pahayag ni LJ.

“It will be a very long journey, a difficult one. Pero, kumakapit na ako sa Diyos,” dagdag niya.

Natanong si LJ kung nag-reach-out na ba si Paolo sa kanya at ayon sa aktres ay hindi.

“No, Tito Boy. No efforts,” aniya.

Nang matanong kung napatawad na ba niya ang dating karelasyon, ito raw ang kanyang pinagdadasal ngayon.

“It’s a work in progress. Pinagdadasal ko na mapatawad ko siya kasi I know if I don’t forgive him, this very dark emotion will eat me up. And I won’t be able to move on with my kids, move forward with my kids nang maayos, Tito Boy. ’Yung walang galit,” wika ni LJ.

Labis na nagpapasalamat ang aktres sa lahat ng mga nagpapaabot ng suporta at pagmamahal sa kanilang mag-iina.

Maging si Paulo Avelino, tatay ng panganay na anak niyang si Aki, ay nag-reach-out daw sa kanya to let her know that he’s there for them.

“Nagsabi lang siya na parang ‘I know you’re going through a very difficult time,’ ganyan, and siyempre, ang iniisip niya rin, eh, si Aki, and if there’s anything daw that I need when it comes to Aki, I can always tell him,” kwento ni LJ.

PROBLEMA, PATUNG-PATONG

Patung-patong na problema nina Camille at Andrei (Janine Gutierrez at Paulo Avelino) ang magiging dahilan ng hiwalayan nila ngayong linggo sa Marry Me, Marry You, na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z at TV5.

Ngayong alam na ni Camille ang katotohanang nanay ni Andrei ang ninang at pangalawang ina niyang si Elvie (Cherry Pie Picache), nahihirapan siyang lumugar sa away ng mag-ina.

Gusto kasi ni Camille na patawarin na ni Andrei si Elvie pero matindi pa rin ang hinanakit ni Andrei sa kanyang ina.

Dumagdag din sa away ng magkarelasyon si Patricia (Iana Bernardez), ang ex-girlfriend ni Andrei, na nahuli ni Camille na naliligo at nakahubad sa bahay ni Andrei.

Puproblemahin din ni Andrei ang pagtatraydor sa kanya ng best friend niyang si Cedric (Jake Ejercito), dahil para masulot si Camille, buburahin nito ang ebidensyang magpapatunay na hindi niloko ni Andrei si Camille.

Bukod pa riyan, kukuntsabahin ni Cedric si Emilio, ama ni Andrei, sa negosyong maaaring magpabagsak sa kumpanya ni Andrei.

AUTHOR PROFILE