Mochi2

Pauleen, may pa-face reveal na kay Baby Mochi

January 25, 2024 Vinia Vivar 98 views

MochiMochi1Mochi3Hindi pinaghintay nang matagal ni Pauleen Luna ang kanyang followers na gusto nang makita ang second baby girl nila ni Vic Sotto na si Mochi.

Nag-face reveal na ang wifey ni Bossing kay baby Mochi kahapon sa Instagram.

Anim na larawan agad ng kanyang bagong panganak na sanggol ang ibinihagi ni Poleng.

“Thia Marceline Sotto aka Mochi. January 23 2024. 8.2 lbs,” ang pagpapakilala ni Pauleen sa kanyang bunso.

“Thank you for all your prayers and well wishes,” sey pa niya.

Ang daming natuwa kay Baby Mochi dahil napaka-healthy nito at ang laki niya agad, huh, parang hindi bagong-silang at akala mo’y eight-nine months na sa kapal ng buhok.

Halos lahat ay nagkyutan kay baby Mochi na super-tambok ng pisngi.

Ilan sa celebrities na nagpaabot ng pagbati ay sina Ice Seguerra, Jolina Magdangal, Ryan Agoncillo, Isabelle Daza, Saab Magalona, Rochelle Pangilinan, Carla Abellana, Jo Berry, Pia Wurtzbach, Angeline Quinto, Vina Morales, Yasmien Kurdi, Rocco Nacino at marami pang iba.

AUTHOR PROFILE