Arra Arra San Agustin

Arra mas dama ang love kapag nililigawan

January 25, 2024 Aster Amoyo 99 views

IKINUWENTO ng mag-asawang vendor na napili sa segment na “G sa Gedli” kung papaano nagsimula sa sulat ang kanilang love story sa panahon na hindi pa uso ang cellphone, na gusto ring maranasan ni Arra San Agustin.

Dahil nasa South Korea si Buboy Villar para sa “Running Man Philippines,” si Arra ang nakasama ni Isko Moreno sa naturang segment ng GMA noontime show na “Tahanang Pinakamasaya.”

Nagtitinda ng taho at ice scramble na nasa sidecar ang mag-asawang Nilo at Mising, na 30 taon nang magsasama, at may anim na anak.

Nang tanungin ni Yorme si Nilo kung papaano niya niligawan si Mising, sinabi ng mister na ipinatanong niya sa kaniyang mga kaklase ang pangalan nito.

“Nung makita ko crush ko na agad,” masayang balik-tanaw ni Nilo.

Natutuwa naman si Arra dahil napansin niya na hanggang ngayon ay kinikilig pa rin si Mising sa kuwento ng kaniyang mister.

Dahil wala pang cellphone noon, sinabi ni Nilo na gumawa siya ng maigsing sulat para kay Mising para pormal niya itong makilala.

Naka-relate naman si Yorme sa naturang paraan noon ng panliligaw na hindi na katulad ngayon na idinadaan na cellphone ang lahat.

“Yan ang gusto ko,” sabi ni Ara na idinadaan sa sulat ang panliligaw.

Ayon kay Arra, last year siya huling nagka-boyfriend nang tanungin ni Isko.

Noong Marso 2023, inilahad ni Arra na hiwalay na sila ng nobyo niyang basketbolistang si Juami Tiongson.

Pagpapatuloy ng kuwento ni Nilo, hindi sinagot ni Mising ang dalawang nauna niyang sulat. Kaya naman sa ikatlo at huli sana niyang sulat, inilagay niya rito, na “sagutin mo man o hindi ok lang sa akin.”

Ayon naman kay Mising, tatlong buwan siyang niligawan ni Nilo bago niya ito sinagot. Nagpupunta umano si Nilo sa bahay ni Mising na nakabisikleta at nagtitinda siya noon ng taho habang nag-aaral.

Humanga si Yorme sa pagsisikap ni Nilo na pinagsabay ang pag-aaral at trabaho, at humanga siya sa mag-asawa nang malaman na napag-aral nila sa kolehiyo ang kanilang mga anak sa pamamagitan ng pagtitinda ng taho at scramble.

Ayon kina Nilo at Mising, nakapagtapos na ang dalawa nilang anak at may trabaho na.

Bilang regalo, binigyan ni Yorme ng P20,000 ang mag-asawa para makapag-date, at binili na rin niya ang tinda ng mga ito para makapaghinga nang maaga nang araw na ito.

Patindi nang patindi ang pambu-bully kay Elle

Elle
Elle Villanueva and Derrick Monasterio

PATOK sa viewers ang latest GMA Afternoon Prime series na ‘Makiling’ na pinagbibidahan nina Elle Villanueva at Derrick Monasterio. Gigil na gigil na rin ang viewers sa mga pang-aapi nina Kristoffer Martin, Myrtle Sarrosa, Royce Cabrera, Teejay Marquez, at Claire Castro o ang Crazy 5 sa serye.

Patunay dito ang pataas nang pataas na ratings ng nasabing revenge drama. Pero tila nagsisimula pa lang ang mga maiinit na eksena. Tuloy ang pagli-level up ng pambu-bully kay Amira (Elle) ng Crazy 5. Pati si Alex (Derrick), magiging target ng power trip ni Seb (Kristoffer). Kung ang kapatid ni Amira na si Rose (Thea Tolentino), mukhang natuto nang makisabay sa mga taga-Maynila, sila Amira at Alex, parang lalamunin ng buhay ng lungsod.

Pero para sa tatay na may sakit at para rin mapag-aralan ang misteryosong halamang Mutya, laban lang ang ating bidang si Amira. Excited na nga ang viewers sa mas matitindi pang bardagulan sa pagitan ni Amira at Portia (Myrtle). Isama pa dyan ang away ng magkapatid na si Amira at Rose. Di rin pahuhuli ang tapatan nina Alex at Seb, ha!

Kaya naman pag 4 PM na, Makiling na! Watch na ng Makiling sa GMA Afternoon Prime.

‘Queendom: Live’ mapapanood na sa TV

Queendom
Queendom: Live

WALA nang dapat ikahinayang pa ang mga naka-miss ng Queendom: Live concert nina Rita Daniela, Hannah Precillas, Thea Astley, Mariane Osabel, Jessica Villarubin, at Julie Anne San Jose dahil ipalalabas na ito sa TV this Friday (January 26), 9:35 PM.

Makisabay na sa biritan dahil talaga namang makatindig-balahibong performances ang ipinakita ng Divas of the Queendom sa concert nila last December 2 sa Newport Performing Arts Theater.

Kaya naman, ‘wag sayangin ang Friday treat sa inyo ng GMA Network, mga Kapuso! Tunghayan ang musical event na talaga namang pinag-usapan at pinuri dahil sa world-class talents ng anim na Kapuso divas.

Mapapanood ang Queendom Live: The TV Special this Friday (January 26), 9:35 PM sa GMA Network.

AUTHOR PROFILE