Paul

Paul, first showbiz crush ni Andrea

September 23, 2023 Vinia Vivar 342 views

Four years old pa lang si Andrea Brillantes ay may showbiz crush na siya. Inamin niya ito sa latest vlog ni Ivana Alawi kung saan ay nag-Q&A sila habang nagmu-mukbang.

Andrea revealed na ang first showbiz crush niya ay si Paul Salas.

Sabi naman ni Ivana, “Uy, ka-management ko siya.”

Paul and Ivana are both under PPL Entertainment, Inc.

Tsika pa ni Blythe (real name ni Andrea), nag-audition siya that time sa Marimar nina Marian Rivera at Dingdong Dantes pero hindi siya nakuha.

“Pero napansin po ako ni Sir Dingdong, kinuha niya ako sa parang wedding ng kapatid niya or whatever, tapos nakasama ko do’n si Paul Salas.

“Four, five years old lang yata ako no’n, ta’s talagang crush na crush ko siya,” kwento ni Andrea.

“Bet ko talaga si Paul Salas. Crush na crush ko siya no’n,” dagdag niya.

Pero ngayon daw ay hindi na niya crush ang aktor.

Natatawang sabi ni Ivana, “Sorry Paul, nu’ng four years old lang.”

Sa ngayon ay single si Andrea matapos ang breakup niya kay Ricci Rivero. Wala raw siyang balak pang magmahal ulit.

“Hindi na ako magjo-jowa. Matagal, matagal ako bago mag-jowa,” aniya.

Sey pa ng dalaga, ie-enjoy niya muna ngayon ang kanyang youth.

Payo pa niya sa younger sister ni Ivana na si Mona Alawi na kasama rin nila sa vlog, “I-enjoy lang natin, ‘di ba, Mona? ‘Wag natin sayangin sa mga boys na hindi naman tayo deserve, ‘di deserve ‘yung time natin.”

Agree naman ang nineteener na si Mona.

AUTHOR PROFILE