Default Thumbnail

Paniningil ng ilang bus sa EDSA Busway sisiyasatin ng LTFRB

December 3, 2022 Jun I. Legaspi 320 views

MAGSASAGAWA ng imbestigasyon ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa kanilang mga natanggap na balita na “naniningil” pa rin umano ang mga bus drivers sa EDSA Busway bagama’t 24 oras na ang “Libreng Sakay” ngayong Disyembre.

Ito ay matapos dumagsa ang reklano ng mga pasahero na sumasakay sa EDSA Bus Carousel.

Pinapayuhan ng ahenisya ang publiko na i-report ang ganitong gawain sa mga traffic inspectors ng LTFRB o enforcers ng Inter-Agency Council on Traffic (I-ACT) na nakabantay sa bawat istasyon ng EDSA Busway.

Kaugnay naman sa umano’y kakulangan ng public utility buses (PUBs) sa EDSA Busway, kung saan inirereklamo ang matagal na paghihintay sa mga pasahero, patuloy ang pagmonitor ng LTFRB sa mga istasyon ng EDSA Busway upang matukoy ang mga lugar na mataas ang passenger demand para matugunan ito.

Nauna nang sinabi ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime J. Bautista na simula Disyembre 1, ay “24/7” na ang operasyon ng “Libreng Sakay” sa EDSA Busway hanggang Disyembre 31, 2022.

AUTHOR PROFILE