Default Thumbnail

Bgy. ex-o tiklo sa pang-aabuso ng menor de edad na may kapansanan

December 3, 2022 Jonjon Reyes 308 views

INARESTO ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) sa bisa ng warrant of arrest ang isang 60-anyos na barangay executive officer o “ex-o” ng District Investigation Division (DID) ng Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT) sa Barangay Silang, Muntinlupa City.

Batay sa ulat ni P/Major Edward Samonte, hepe ng DID-SMaRT, bandang 5:45 p.m., nang bitbitin ng kanyang mga tauhan sa pangunguna ni P/Maj. Emmark Dave Apostol at Lt. Edgar Julian ang suspek sa Bgy. 16 Bagong Silang Sucat, Musntinlupa City.

Ang arrest warrant ay inisyu ni Presiding Judge Roberto Quiros, ng Regional Trial Court, Branch 29 ng Maynila na may petsang Hulyo 28, 2017 at walang inirekomendang piyansa.

Ang suspek ay kabilang sa “most wanted person” sa district level dahil sa kasong rape.

Ayon sa rekord ng pulisya, ang suspek, na isa pa lamang barangay tanod noon, ang itinuturong humalay sa isang menor de edad na may kapansanan Agosto 11, 2002 sa Arlegui Street sa Bgy. 387, Lungsod ng Maynila.

Dahil sa pinaiiral na “One-Time, Big-Time” ng pulisya, natunton ang suspek sa pinagtataguan nito at sa isinagawang manhunt operations.

AUTHOR PROFILE