Guest

Panghahaplos ng kagrupo, sinita ng GF ng male star

September 16, 2023 Jun Nardo 168 views

NAGBABAGO ang pananaw sa buhay ng isang male star kapag nalalasing.

Member siya ng isang all-male group.

Sa grupo nila, may kulay verde ang dugo at sa gimik nilang magkakasama, si male star ang madalas niyang haplus-haplusin sa hita!

Palibhasa, kasama sa grupo, hinahayaan lang ito ni male star. Lalo na kapag nakainom na.

Pero ang nasa-shock sa ginagawang paglalandi sa male star, eh, ang kanyang girlfriend na sumasama rin sa gimik ng BF.

Napansin ng GF na sobrang napapalapit na si verde ang dugo sa dyowa. Sinita niya ito nang pasikreto.

Sukat ba namang sabihin ni male star sa GF na lasing lang ang kasama niya kaya nanghihimas ng legs pero wala raw malisya sa kanilang grupo ‘yon.

Eh, may tsismis na si male star, pumapatol sa verde ang dugo, huh!

TICKET SECTIONS SA SHAGAB REUNION CONCERT, KAKAIBA

KAKAIBA ang pangalan ng mga section ng ticket sa upcoming Dear Heart concert nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion sa October sa Mall of Asia Arena.

Throwback feels ito dahil ang mga section ay ipinangalan sa old movies nina Sharon at Gabby, huh!

Ang names ng mga section ay halaw sa old movies nina Sharon at Gabby gaya ng P.S. I Love You, Dear Heart, at iba pa.

Naku, this early, marami nang nakabili ng tickets kaya umagap na kayo dahil once in a lifetime ang event na ito!

AUTHOR PROFILE