Sharon

Sharon, inamin ang pagpaparetoke

September 16, 2023 Vinia Vivar 155 views

Sa mediacon pa rin ng Dear Heart sa Okada Manila, pinuri ng entertainment press ang napakalaking pagbabago sa weight ni Megastar.

Kapuna-puna nga na talagang ang laki na ng ipinayat niya at noon pa niya sinasabi talaga na katas ito ng pagdidiyeta niya for seven years.

As a result ng kanyang pagpapayat ay nagkaroon siya ng sagging skin sa braso kaya inamin niyang nagpaopera siya recently para matanggal ito.

“I don’t want to hide it naman, eh. Kasi remember, I had reduction sa breasts ko because it was all skin. So, ‘yung tinanggal, mostly skin. And I don’t want to hide it, there’s no reason to, hindi naman nakakahiya,” she said.

“Because I lost so much weight, over a hundred pounds, naturally, mas sagging ‘yung skin. So, I had arms surgery. Nagpatanggal ako ng balat. Kasi, ang payat-payat ko na, ang laki pa nu’ng balat. So, ipinatanggal lang ‘yung extra skin, ‘yun lang,” she said.

Ipinakita rin ni Shawie ang mga brasong inoperahan na gumagaling pa lang.

“I’m not against plastic surgery, I’m all for those who like to age gracefully which I intend to do also,” sey ni Mega.

Pero lately raw, ang dahilan ng pagpayat niya ay stress.

“Ito lang, last two months nang mag-start kami nina Alden (Richards) mag-shoot, alam nina Alden ‘yan, na-stress ako,” sey ni Shawie.

“’Yung ikinapayat ko itong last last months, ang bilis. May nag-cause sa akin ng stress. ‘Wag na nating ibalik, ‘wag na nating pag-usapan,” dagdag pa niya.

Nang time na ‘yun ay hindi raw siya nagdiyeta at talagang wala siyang ganang kumain dahil mabigat ang kanyang dibdib at puso.

“Ayaw ng puso at isip ko na kumain kasi may nagba-bother sa akin. Nahe-hurt ako,” sey ni Mega.

Hindi na niya sinabi pa kung ano ang nakapagpa-stress sa kanya pero aniya, “napag-usapan na, ‘wag na.”

Anyway, excited na sina Sharon at Gabby para sa Dear Heart concert.

Hindi pa niya idinetalye ang mga magaganap sa show, pero siyempre ay makakaasa ang fans na maraming surpresa lalo pa nga’t ito ang firt concert nila together ever.

AUTHOR PROFILE