Ashley Larawan mula sa IG/Ashley Ortega

Pampatirik ng mata

April 8, 2024 People's Tonight 99 views

DEDMA sa init ng panahon ang aktres na si Ashley Ortega sa ipinangalandakang kaseksihan sa social media.

Walang pake sa tirik ng araw ang Kapuso actress basta mapatirik ang mata ng mga barako mula sa beach photos na ibinahagi niya sa kanyang Instagram account.

“The heat never bothered me anyway,” hirit niya sa caption ng kanyang post.

Sinalubong ni Ashley ng kanyang malinamnam na katawan ang netizens habang rumarampa sa dalampasigan ng isang beach.

Angat ang kurba ng kanyang katawan sa suot na two-piece string bikini. Glowing din ang balat ng aktres dahil sa kakinisan nito.

Naglawa ang mga puso at apoy na emojis sa comment section ng nasabing post ni Ashley. Sinisi ang pagpapatakam ng aktres sa lalong pagtaas ng temperatura.

AUTHOR PROFILE