Default Thumbnail

Pagkakaibigang nagsimula sa musika nagkalamat!

April 8, 2024 Jun Nardo 50 views

NAKAKALUNGKOT kung totoong may lamat na ang friendship ng magkakaibigang dekada na ang pinagsamahan.

Nagsimula sa musika at lumawak ito hanggang sa telebisyon, pelikula at iba pang aspeto ng production.

Nagkaroon na rin sila ng kani-kaniyang production at aktibo pa rin sa ilang aspeto ng production.

Pero nananatiling nasa likod ng kamera ang isa sa kanila habang nasa harap naman ng kamera ang iba pa.

Some good things never last at isa na rito ang friendship ng magkakaibigan na walang nag-akala na malalamatan din, huh!

PANGARAP NI ISKO NATUPAD

NAGING bahagi si Isko Moreno Domagoso ng inauguration ng Dr. Alejandro Albert Elementary School sa Sampaloc na may sampung palapag.

Airconditioned ang rooms at may elevator ang school kaya naman malaking tulong ito sa mga mag-aaral ng Sampaloc para sa mas maaayos na pag-aaral.

Mayor pa ng Maynila si Isko nang ipaglaban niya na magkaroon ng bagong school ang mga mag-aaral. Kaya naman todo pasalamat siya sa naging daan upang maipatayo ang paaralan.

Pangarap ni Isko na magkaroon ng magandang kinabuksan ang batang mahihirap gaya ng panimula niya bago pinalad sa buhay.

AUTHOR PROFILE