Teddy

Teddy napikon na pinagsasabong ang ‘Showtime’ at ‘Eat Bulaga’

April 8, 2024 Vinia Vivar 71 views

Umalma si Teddy Corpuz, isa sa hosts ng It’s Showtime, sa mga netizen at televiewer na pinagsasabong sila ng katapat na noontime show na Eat Bulaga at pilit na pinag-aaway.

As we all know, buhay na buhay na naman ang tapatan ng dalawang noontime shows especially now na sa GMA-7 na umeere ang It’s Showtime mula Sabado, April 6.

Of course, may kanya-kanyang fans ang dalawang shows na pinagkukumpara ang mga nasabing programa.

Kaya naman tila napikon na rin siTeddy at nagsalita na tungkol dito.

Sa kanyang X account (dating Twitter) ay sinabi ng singer/host na pareho lang sila ng goal ng kabilang programa na magpasaya at hindi kailangang magsiraan.

“’Yung pinag aaway nyo kami, pero bakit di nalang tangkilikin parehas? Yes may competition… minsan talo, minsan panalo. Parehong gumagawa at nag nanais mapasaya kayo. Kung di ka masaya sa isa, eh di dun ka sa kabila at wag ka na lang manira. Focus ka sa tv mo at wag sa tv ng kalaban mo,” pahayag ni Teddy.

Marami naman ang umayon sa singer/host sa kanyang sinabi. Narito ang ilan sa mga komento:

“Tama lahat ng sinabi mo Kuya Ted. Maaaring nasa isang kumpetisyon kayo pero lagi dapat binabalikan yung end goal… MAPASAYA ANG PILIPINO. As a solid Dabarkad, I am happy with Showtime. Mas marami, mas masaya.”

“True po pag ayaw sa isa doon nalang sa kabila ‘yun lang para happy happy lang (red heart emojis) we love you showtime family.”

“Agreed, I’m a Showtime fan but I also love to watch Eat Bulaga pa rin naman kasi aminin naging part din ng childhood natin ang Eat Bulaga eh. It’s up to you nalang talaga kung anong want mong panoorin.”

“Agree. Kung ‘di niyo trip ‘yung style ng ginagawa nila, ‘wag na naman siraan at i-insist ‘yung gusto nila. May freedom of choice naman to switch channel.”

AUTHOR PROFILE