Kim

Pamilya ni Kim, nakumpleto sa pa-birthday party ni Vice

April 21, 2022 Vinia Vivar 237 views

Kim Chiu just celebrated her 32nd birthday last April 19 at ayon sa dalaga ay ito na ang isa sa most memorable na kaarawan niya kaya naman masayang-masaya siya.

Sa kanyang Instagram ay nag-post si Kim ng pasasalamat sa mga taong nagpasaya ng kanyang kaarawan and made it memorable kabilang na ang kanyang pamilya na aniya ay ngayon lang ulit nakumpleto after eight years.

“Indeed one of the most memorable birthdays I ever had. Punong puno yung puso ko simula umaga hanggang gabi, surrounded by people who are dear to me.

“My family is complete after 8 long years, did a birthday charity in 3 different places, seeing those happy smiles made my heart melt. Iba yung experience sobra.

“Got messages on my socmed accts and personal messages, (di pa ako nakaka reply but later I will.) May pa birthday greeting sa MOA globe ang kim chiu global family. Grabe Salamat,” ang bahagi ng post ni Kim.

Isa pa sa labis niyang ikinatuwa ay nakatanggap siya ng video greet mula kay Vice President Leni Robredo at ang surprise party na ibinigay sa kanya ni Vice Ganda.

“Got a personal VP Leni greetings gulat ako na naiyak. Got cakes, flowers, and food pag uwi ko sa bahay and of course to end the day nagulat ako sa pa Surprise!!!!!! wala akong ka idea, pero grabe!!! Didn’t expect na may pa ganun, akala ko may babayarin kami monthly dues sa clubhouse pero naisip ko bakit gabi, ang sabi ng ate ko pinakiusapan lang daw kasi last week pa overdue magdadagdag na daw kami ng bayad pag sumobra.

“Kaya pumunta na ako bago kami tumuloy sa dinner. Diko alam dun na pala yung dinner. ang dami pumunta. Nagulat talaga ako. Gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng dumalo and for your time on my special day. SALAMAT SA LAHAT. SALAMAT SOBRA SA ARAW na ito NA DIKO MALILIMUTAN. It was indeed a HAPPY BIRTHDAY TO ME,” pahayag ni Kim.

MAPRINSIPYO

Totoo pala na marami pang puwedeng mangyari sa nalalabing tatlong linggo bago ang eleksyon.

Tulad na lang ng singer-actress na si Marissa Sanchez na biglang sumuporta kay Ping Lacson bilang kandidato niyang pangulo.

Sa isang campain rally kamakailan ng Ping Lacson-Tito Sotto tandem, biglang inihayag ni Marissa ang suporta niya.

Ipinaliwanag din niya kung bakit sa kanyang posts sa Instagram.

Pag-amin ni Marissa, maprinsipyo siyang tao at tinanggihan niya ang ibang grupo ng kandidato na kumukuha sa kanya na magtanghal at mag-host sa rally.

Katunayan, pumayag lang daw siya na mag-host at kumanta sa Lacson-Sotto rally dahil bet niyang VP si Tito Sen at hindi niya mahihindian.

Pero malinaw daw ang usapan nila nang kumontak sa kanya na si Tito Sen lang ang isu-support niya sa rally.

Isa pang katunayan, cap na may pangalan lang ni Tito Sen ang suot ni Marissa dahil nang dumating siya sa rally site at umakyat sa entablado, wala pa siyang napipisil na kandidatong presidente na susuportahan.

AUTHOR PROFILE