Calista

Calista, tutok sa ‘Vaxx-to-Normal’ concert

April 21, 2022 Ian F. Fariñas 387 views

Matapos ang matagumpay na media launch ng Calista nitong Marso 8 at performance sa first-ever P-Pop Convention nitong Abril 9 at 10, tutok naman ngayon ang Calista, the çountry’s hottest girl group, sa kanilang Vaxx to Normal concert na gaganapin sa Abril 26 sa Araneta Coliseum.

“Calista is training for 12 hours, 8 a.m. to 8 p.m. – workshops, voice lessons, dance training… Training double time for the concert,” kuwento ni TEAM manager Tyronne Escalante.

Special guests sina Yeng Constantino, Elmo Magalona, AC Bonifacio, Darren Espanto, Andrea Brillantes at Ken San Jose.

Mabibili na ang concert tickets sa ticketnet.com.ph

Sa latest performance nila sa Pinoy Pop (P-Pop) Convention sa New Frontier Theatre, Araneta Center, sinayaw-awit ng Calista ang kanilang latest single na Race Car at ang Little Mix’s Woman Like Me.

Ginulat ng girl group ang mga manonood “with their high energy, dynamic choreography and vocals.”

Sa live event at recorded videos sa YouTube, pinuri ang malaking improvement ng Calista mula sa sinundang performance nila sa media launch.

Ayon kay Tyronne, “The progress of the girls could be credited to their hard work and dedication.

“Olive, Anne, Laize, Dain, Denize and Elle poured their heart into their performance.

“The girls also appreciate the concern and constructive criticism from their fans and P-pop fans.

“They continue to remain humble and work hard to earn the admiration of the P-pop industry and its fans,” ayon pa kay Tyronne.

Dagdag pa niya, “The management, with the producer Merlion Events Production Inc., made significant changes in the coaching line-up that also contributed to the girl’s growth,

“We are now partnering with Douglas Nierras of Power Dance to fasttrack the improvement of their dance performance.

Si Nierras ay isa sa mahuhusay na choreographers ng Philippines, isang dance legend sa mahigit 40 taon niyang karanasan sa industriya.

Isa rin siyang award-winning choreographer “whose experience with various dance styles has earned him widespread recognition.”

Nagdagdag ang TEAM ng isa pang choreographer para lalong palakasin ang powerhouse coaching team ng Calista sa katauhan ni Vimi Rivera.

Si Rivera ay World of Dance Manila director, may-ari ng Groove Central Dance Studio at head choreographer ng Legit Status at ABS-CBN choreographer.

Ayon pa kay Escalante, “Calista is still trained by vocal instructor Imelda Marie “Marnie” Jereza.

Nagpasalamat din ang TEAM at Merlion sa Calista team sa patuloy nilang suporta, kasama ang celebrity stylist na si Myrrh Lao To.

AUTHOR PROFILE