Viceion

Pambababoy at pambabastos sa proposal ni Ion, ikinatakot ni Vice … pictures at videos, ipinabura!

February 18, 2022 Vinia Vivar 132 views

Ni-reveal ni Vice Ganda sa It’s Showtime last Wednesday na nag-propose pala sa kanya si Ion Perez noong February 2020. Ang una raw niyang naramdaman ay sobrang takot.

“First time na naming iri-reveal. Kasi, nag-propose si Ion sa akin, Feb 21, 2020,” sey ni Vice.

“Wala pang pandemic. Tapos, nu’ng nag-propose siya, sobra akong takot na takot. As in lahat ng mga video ng mga kaibigan namin, pinabura ko talaga. Kasi ayokong lumabas.

“Tapos, umiiyak siya (Ion). Sabi niya ‘bakit ayaw mong sabihin sa kanila?’ Kahit kina Tita Cory (Vidanes), tinago ko. Sa lahat, tinago ko. Sabi ko, ‘sobra akong takot na bababuyin lang ng tao itong isang bagay na napakaganda para sa atin.’ Sabi ko, ‘tama na ‘yung tayong dalawa na lang ang nakakaalam,’ sabi kong ganu’n.

“Malalaman ng ibang tao, babastusin lang nila, bababuyin, pagtatawanan, gagaguhin kaming dalawa, ’di ba? Ayoko. Masakit ‘yun para sa akin kaya sabi ko, ‘sa ating dalawa na lang.’

“Kaya ‘yung mga kaibigan ko, pinakiusapan ko, ‘pakibura ‘yung mga video,’ sabi ko. Kahit picture, walang natira,” kwento ni Vice Ganda.

Buhat nu’n ay lagi na raw nilang napag-uusapan ang kasal, kung paano at kailan nila ito gagawin.

And finally ay natuloy na nga ito noong Oktubre, 2021 sa Las Vegas na ibinunyag lang nila a few days ago sa YouTube vlog ni Vice.

Maging ang mga co-host nila sa It’s Showtime ay gulat na gulat at sinumbatan nga nila sina Vice at Ion na hindi nag-invite.

Sobrang biglaan lang daw ang kasal na ‘yun.

May concert si Vice sa Amerika that time at nagkataon din na anniversary nila.

Nagpunta raw sila ng Vegas at doon lang nila naisip on the spot na magpakasal na nang oras na ‘yun.

“Sobrang spontaneous no’n. As in sobrang spontaneous. Buti nga, mayroong slot sa pinuntahan naming Little Vegas Chapel something. Kasi kung hindi, hindi namin magagawa,” sey ni Vice.

Wala raw silang damit kaya nag-shopping pa sila ng isusuot sa kasal.

“‘Tapos bumili kami ng singsing-singsingan sa Aldo, five dollars!” kwento ni Vice.

“Parang dinedma ko na ’yung pangarap ko na bongga ’yung singsing ko, bongga ’yung damit ko. Parang, wala na akong pakialam.

“At this point, kahit walang tao, wala na ’yung mga kaibigan ko. Ang mahalaga na lang, ’yung kami, ’di ba? ’Yung nandu’n siya, nandu’n ako.

“‘Tapos sabihin na natin ’yung gusto nating sabihin. ’Yun lang. And it just happened. It just happened. Ang saya-saya namin. Ang ganda nu’ng naranasan namin,” pagbabahagi pa ng Unkabogable Star.

AUTHOR PROFILE