Aiai

Ai-Ai at Pokwang, pasiklaban!

February 18, 2022 People's Tonight 118 views

PokwangBABALIKAN ni Ai-Ai de las Alas ang trono na panasamantala niyang iniwan bilang Reyna ng Komedya.

Nananatili muna si Ai-Ai sa Amerika kasama ang isang anak at asawang si Gerald Sibayan.

Sa Instagram na lang nalalaman ang updates ng “kagagahan” niya habang nasa Amerika.

Ngayon, nagbabadya na ang pagbabalik-reyna niya sa komedya dahil gagawin niya ang series na Raising Mamay sa GMA.

Sa pagkawala ni Ai, namayagpag ang byuti ni Pokwang na umikot sa ilang Kapuso shows, huh!

Tanging sina Ai-Ai at Pokwang ang magpapasiklaban sa comedy ngayong sign- off na si Eugene Domingo sa Dear Uge.

BIANCA, PAG-AAGAWAN NINA KEN AT TEEJAY

ROMANTIC-COMEDY naman ang isasalang ng Regal Entertainment sa nalalapit na pagtatapos ng The Family Fortune sa Mano Po Legacy.

Patindi nang patindi ang bakbakan nina Maricel Laxa, Almira Muhlach at Sunshine Cruz sa Regal/GMA series.

Eh, sa pagtatapos nito, ipapalit ang bagong edition ng Mano Po Legacy na Her Big Boss.

Wala pang inilalabas na cast members sa bagong edition, pero ang nabalitaan namin, si Bianca Umali ang pag-aagawan nina Ken Chan at Teejay Marquez. Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE