John Lloyd Cruz

Pagsasama nina John Lloyd at Andrea inaabangan

June 1, 2021 Eugene E. Asis 255 views

MARAMI ang nagulat sa magiging comeback project ni John Lloyd Cruz. Hindi ito sa ABS-CBN kundi sa GMA Network. Noong Sabado, inanusyo ito ng ‘Wowowin’ host na si Willie Revillame.

Matatandaang lumikha ng ingay ang recent announcement ng pagbabalik-showbiz ni John Lloyd. Marami ang excited na fans na mapanood syang muli matapos niyang mag-leave sa showbiz ng apat na taon. At masaya sila sa balitang mapapanood na nila ang kanilang idolo sa GMA para sa grand event ng isang shopping app sa June 6.

Ang inaabangan din ngayon ay kung bukod ba rito ay may iba pang projects na niluluto sina John Lloyd at Willie. Balitang nagkita na rin sila ng GMA Films president na si Atty. Annete Gozon-Valdez. May post din ang sikat na composer na si Vehnee Saturno na nakatakdang mag-record ng isang kanta ang aktor. May ugong din na magtatambal sa isang sitcom sina John Lloyd at Andrea Torres. Well, alam ng lahat na si Andrea ay ex ni Derek Ramsay na ngayon ay engaged na sa ex ni John Lloyd na si Ellen Adarna kung kanino may anak ang aktor. At kung matutuloy ito, hindi natin alam ang puwedeng mangyari dahil may posibilidad na maging close sa isa’t isa sina JLC at Andrea. Tinututukan na ang updates tungkol dito at lahat ay nag-aabang.

Rocco at Max may pasilip sa reunion series

MAPAPANOOD muli ang tambalan nina Rocco Nacino at Max Collins sa upcoming Kapuso series na ‘To Have And To Hold.’

Taong 2012 pa nang huling magkasama sa isang serye sina Rocco at Max at nakakatuwang makita ang behind-the-scene photos sa pinakabago nilang pagtatambalang GMA series.

Bibigyang buhay nina Rocco at Max ang mga karakter nina Dominique at Gavin Ramirez. Picture-perfect ang buhay ng mag-asawang Gavin at Dominique ngunit isang iskandalo ang gigimbal sa pagsasama ng dalawa. Ipaglalaban ba ni Gavin ang nasirang relasyon sa asawang si Dominique, o muling mag-uumpisa sa isang bagong pag-ibig?

Abangan din ang iba pang Kapuso stars na makakasama nina Rocco at Max sa To Have And To Hold, soon sa GMA Network.

Magkayakap pa lang nagpakilig na sina Rita at Ken

NITONG May 24 ay nagsimula na ang huling cycle ng lock-in taping sa Bataan ng bagong G MA Aftern Prime series nina Ken Chan at Rita Daniela na ‘Ang Dalawang Ikaw.’. Dahil sa behind-the-scene photos ng RitKen mula sa taping na magkayakap, lalong umapaw ang interest ng viewers sa bagong show.

Biro ng isang netizen, “Pwede tumalon sa kilig? Grabe na kayo RitKen ha.”

“So excited na sa Ang Dalawang Ikaw. Guys pahinging oxygen oh,” dagdag pa ng isang fan.

Ayon sa isang production insder, higit pa sa yakapan ang mapapanood nila kina Rita at Ken sa bagong series.

Samantala, itinuturing ni Ken na challenging ang kaniyang karakter sa serye dahil gagampanan niya ang role ng lalaking may dissociative identity disorder (DID) – isang mental illness kung saan nagkakaroon ng multiple personalities ang isang tao, dahilan para magkaroon siya ng dalawang katauhan – sina Nelson at Tyler. Si Rita naman ay gaganap bilang si Mia, ang asawa ni Nelson.

Mula sa direksyon ni Jorron Monroy, inaabangan na sina Ken at Rita sa Ang Dalawang Ikaw, soon sa GMA Network.

AUTHOR PROFILE