Kulong

Pagpatay pumalpak, suspek sa selda swak

August 24, 2023 Jojo C. Magsombol 165 views

KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas — Pumalpak na ang kill mission, kalaboso pa ngayon ang isang lalaki nang ma-aresto dahil sa frustrated homicide sa Sitio Malipa, Bgy. Malaking Pulo, Tanauan City, Batangas.

Base sa report ni Col. Samson Belgica Belmonte, Batangas provincial PNP director, kay Calabarzon PNP Director Police Brigadier General Carlito M. Gaces, nakilala ang suspek na 53- anyos at tubong Malaking Pulo, Tanauan City, Batangas.

Nahuli ang suspek sa manhunt operation ng operatiba ng Tanauan City Police Station (CPS) at Maritime Police Station Special Operation Unit 3 dakong 4:27 ng hapon noong Agosto 22, 2023 sa Sitio Malipa, Barangay Malaking Pulo.

“Binabati ko ang ating mga kapulisan sa double effort na ginagawa nila upang mahuli ang mga may sala sa batas at maibigay sa mga pamilya ng biktima ang hustisya.

Maari po lamang na ipagbigay alam sa mga awtoridad ang anumang bagay na makakatulong para mahuli ang mga kriminal na may pananagutan sa batas,” sabi ni Belmonte.

AUTHOR PROFILE