Jinggoy

Pagpasa sa ‘Eddie Garcia Bill’ pagtupad sa pangako ng Senado — Sen. Jinggoy

February 19, 2024 Vinia Vivar 106 views

Ipinasa na ng Senado ang Eddie Garcia Bill sa ginanap na third and final reading kahapon.

Ito ang ibinalita ni Liza Diño-Seguerra sa kanyang social media accounts.

“BREAKING NEWS: EDDIE GARCIA LAW PASSED ON ITS 3RD AND FINAL READING IN SENATE.

“For all those who have fought long and hard to achieve fair working conditions in the film and entertainment industry, mabuhay po kayo!

“Worth it ang pagod at sakripisyo nating lahat para ipaglaban ang nararapat na batas para poteksyunan ang ating mga film workers.

“On this day, panalo ang mga manggagawa ng industriya ng Pelikulang Pilipino!” ang pahayag ni Liza sa Instagram at Facebook.

Sa press release naman na inilabas ng Senate of the Philippines website, nakasaad dito na ang resulta ng botohan para sa pagpasa ng nasabing law ay 22-0-0.

“SA botong 22-0-0, inaprubahan ng Senado ngayong araw sa ikatlo at huling pagbasa ang Senate Bill No. 2505, o ang panukalang ‘Eddie Garcia,’ na magbibigay proteksyon sa mga manggagawa sa pelikula at telebisyon mula sa hindi patas na pagtrato at magsisiguro ng maayos na kondisyon sa trabaho,” ayon kay Senador Jinggoy Estrada.

“Ang panukalang ito ay pagtupad sa pangako ng Senado na itaguyod ang kapakanan ng mga manggagawa at pagkilala sa kanilang trabaho na kadalasan ay naiisantabi at nadadaig ng kasikatan ng mga pangunahing bituin. Utang natin ito sa kanila,” sabi pa ni Sen. Jinggoy.

PINOY FANS, KINILIG SA KOREAN ACTOR

Pinasaya at pinakilig ng South Korean actor na si Park Hyung Sik ang Filipino fans sa katatapos lamang na fan meet niya sa bansa na SIKret Time in Manila: Park Hyung-sik’s 2024 Asia Tour Fan Meeting.

Si Park Hyung Sik ay napanood sa mga hit Korean drama na Hwarang, Strong Girl Do Bong Soon, The Heirs and Happiness, among others. He’s currently starring in the romantic-comedy series, Dr. Slump.

Game na game na nakipagkulitan si PHS sa kanyang SIKret (tawag sa kanyang fandom) at 100% fan service talaga ang kanyang ginawa all throughout the show.

He sang and and performed Off My Face, Strong Woman Do Bong Soon’s OST Because of You and My Love From the Star’s OST Every Moment of You.

Masaya rin siyang nakipag-interact sa fans, played games with them at sinagot ang tanong ng mga ito sa Q&A segment.

He even tried to learn Tagalog words for them.

Ang bilis niyang turuan at makatanda ng mga Tagalog words. Ilan sa mga nasabi niya ay “nakakaloka,” “naloloka ako sa ‘yo,” “ano ba ‘yan?” “keri,” “kaya,” “maraming salamat po” at “mahal kita.”

Sigawan to the max ang kanyang fans sa tuwing magsasalita siya ng Tagalog.

All throughout the show ay panay ang pasalamat ng aktor sa kanyang supporters. Aniya ay napaka-passionate ng Filipino fans.

“You gave me so much energy to bring back home. You are the best,” he said.

Bago tuluyang matapos ang fan meet ay nagbigay ng touching message ang Hallyu star para sa lahat ng kanyang Filipino fans.

“After four years, ngayon lang ako nakabalik. Thank you so much for all your passionate love.

“You know, I believe that you all have a great response when you see Strong Woman Do Bong Soon. I can see that you really love that drama here in the Philippines, thank you so much. And also for my current show, Doctor Slump, thank you so much for your love.

“Now I go back to Korea, I’ll come back with a lot more better project sana magiging excited kayo sa susunod. And siyempre, I want to make more opportunities in the future to meet all of you more. Thank you very much,” pahayag niya.

AUTHOR PROFILE