Jasmine

Jasmine at Anne: ‘Sestra goals’

February 19, 2024 Ian F. Fariñas 142 views

“SESTRA goals” talaga ang showbiz sisters na sina Jasmine Curtis-Smith at Anne Curtis at hanga ang netizens sa pagmamahal nila sa isa’t isa. Damang-dama nga ito sa recent birthday message ni Jasmine sa nakatatandang kapatid na nag-birthday nitong Sabado, Feb. 17.

Sa kanyang Instagram post, sinabi ng isa sa mga bida ng Viva Films movie na Glimpse to Forever na, “Happiest birthday to Queen sestra @annecurtissmith. You really are the sunshine on a cloudy day. You brighten everyone up and we’re all so blessed to have you in our lives. May the world continue to make your dreams come true. I love you so much!!!”

Parehong busy sa kanya-kanyang career ang mag-ate. Si Anne, bukod sa hosting ng It’s Showtime at ilang endorsement/fashion shoots, nakapag-training na rin ng Sayoc Kali para sa kanyang pasabog at maaksyon na acting comeback at reunion project with Direk Erik Matti.

Si Jasmine naman, maliban sa Asawa ng Asawa Ko series sa Kapuso network kasama si Rayver Cruz, eh, busy sa pagpo-promote ng A Glimpse of Forever na showing na sa mga sinehan simula March 6.

Mula sa direksyon ni Jason Paul Laxamana, kasama niya sa nasabing romance-drama at sci-fi film sina Diego Loyzaga bilang Kokoy at Jerome Ponce bilang Dante. Ginagampanan ni Jasmine sa pelikula ang papel ni Glenda, isang babae na may pinagdaraanan sa kanyang buhay pag-ibig. Susubukan niya ang ForeVR, isang virtual dating studio.

Sa pamamagitan nito, pwede niyang maka-date ang tinatawag na The Bad Boy, The Rich Guy, Gigolo at Worker.

Pero ang pipiliin niya ay si Kokoy, a.k.a. “The Boy Next Door.”

Nang makaharap ni Glenda si “The Boy Next Door,” mate-turn-off siya dahil masyado itong prangka. Makakabawi naman ito at magiging best friend pa ni Glenda.

Si Dante ang tao sa likod ni “The Boy Next Door.” Dati siyang theater actor at dahil sa matinding social anxiety, papasok siya sa ForeVR bilang Motion Capture Actor. Dahil tago ang mukha, dito niya mailalabas ang galing sa pag-arte.

Habang nakikilala ni Dante si Glenda sa virtual world, nai-in love ito sa kanya. Ganoon rin si Glenda. Pero maipagpapatuloy ba nila ito sa totoong buhay kahit may karelasyon si Glenda? Meron kaya silang forever sa labas ng ForeVR?

Sasagutin ang lahat ng ‘yan sa A Glimpse of Forever, na palabas na sa mga sinehan sa March 6.

AUTHOR PROFILE