Dominic spotted sa reunion concert ng Rivermaya
SPOTTED si Dominic Roque na nanonood ng reunion concert ng grupong Rivermaya sa SMDC grounds nitong Sabado.
Kasama ni Dominic sina Judy Ann Santos, Ryan Agoncillo at Beth Tamayo na BFF ni Juday at pinsan ni Dominic.
At least, may mga kasama si Dominic sa pagsasaya kahit naunsyami ang kasal nila ni Bea Alonzo, huh!
ESKWELAHAN SA TONDO, LEGACY NI ISKO
NAIPATAYO na ni Isko Moreno ang isang school building sa isang lugar sa Tondo na sinimulan niya noong bise alkalde o alkalde pa siya ng Maynila.
Bale legacy ni Isko ito sa mga kabataan sa Tondo na kinalakihan niya.
Sagot din ito sa mga kabataan na hindi nakakapasok sa eskuwela sa murang edad.
Ang isa naman niyang kainan na sikat sa Tondo, ang Ugbo, meron nang branch sa BGC. Nagkroon ng blessing kamakailan ng kanyang Ugbo sa BGC.
Siguradong magugustuhan ito ng mga nagtatrabaho at nakatira sa area dahil sa msarap na pagkaing handog nito.
Sa BGC din ang location ng kanyang Scott Media production house na nag-o-offer din ng services sa companies na kailangan ng magagandang content lalo na’t magagaling ang GenZ staff nito.
Who knows, baka pasukin na rin ng Scott Media ang film production, huh!