Bea

Pagpapakasal, ’di prayoridad ni Bea

August 25, 2021 Vinia Vivar 397 views

Bagama’t open na si Bea Alonzo sa kanyang relasyon with Dominic Roque, wala pa sa plano niya ang pag-aasawa.

Sa online interview ni Korina Sanchez kay Bea for Beautederm, tinanong ng broadcast journalist ang aktres kung binabalak na ba nitong magpakasal anytime soon.

“No, actually, parang it’s too early for that, parang masyado pang maagang pag-usapan ‘yan,” sagot ni Bea.

“Saka sa ngayon kasi, ’di ba, sabi nga nila, I shouldn’t follow a timeline? May sari-sarili tayong timeline,” dagdag pa niya.

Isinampol pa ni Bea si Korina na late na rin nag-asawa at sambit naman ni Koring, “Hoy, ‘wag naman masyado matagal!”

Pero sey ni Bea, marami pa siyang gustong gawin sa ngayon.

“I have a lot of dreams pa rin, I have a lot of things that I still want to do, so siguro, darating din du’n. But I don’t want to pressure myself into doing something that I am not ready,” she said.

Umayon naman si Ate Koring at aniya, “Good for you, tama ‘yan!”

Payo pa ni Korina kay Bea, “Basta ‘wag ka magmamadali. Kasi tingnan mo nga nangyari sa akin, nagkaro’n pa ako ng twins, hello, ’no!”

Samantala, ibinalita rin ni Bea na bukod sa movie with Alden Richards ay nakatakda rin siyang gumawa ng teleserye sa GMA-7.

Sey nga niya, sobrang excited na siyang magbalik-trabaho.

AUTHOR PROFILE