Bistek

Pangha-hack sa FB page, inilapit ni Herbert sa PNP

August 25, 2021 People's Tonight 455 views

NAGLABAS na rin ng official statement ang management team ni dating Quezon City Mayor Herbert Bautista na kumukondena sa pangha-hack sa Facebook page ng aktor-politiko.

Sa Instagram post ng Cornerstone Entertainment, Inc., sinabi ng kumpanya na pinamumunuan ni Erickson Raymundo na, “CS Entertainment strongly condemns the malicious hacking of Mr. Herbert Bautista’s Facebook account.

“Mr. Bautista and CS Entertainment are actively coordinating with the PNP Anti-Cyberylibel Group to hold accountable whoever is behind this vicious scheme and face penal sanctions accordingly.”

KYLIE: ‘I’M AT PEACE NOW’

NAKAKABUNGISNGIS na ang Kapuso actress na si Kylie Padilla matapos ang hiwalayan sa asawang Ajur Abrenica.

Malakas ang tawa ni Kylie nang interbyuhin siya ni Lhar Santiago sa 24 Oras para kumustahin ang kalayagan.

“Nakalipat na kami ng bahay ng mga anak ko. I’m at peace now,” sambit ni Kylie.

Ayon pa kay Kylie, naging therapy sa kanya ang paggawa ng digital movie na BetCin kasama si Andrea Torres.

Handa na rin daw siyang gumawa ng series pero ang ikinatatakot niya ay ang pagsabak sa lock-in taping dahil sa mga anak niyang maiiwan.

MAPAPAAGA

MAS maaga nang mapapanood ang Kapuso series na Legal Wives simula sa August 30, Lunes.

Season break kasi ang Alden Richards-Jasmine Curtis-Smith series na The World Between Us. Ngayong Biyernes mapapanood ang final episode bago ang season break nito.

Sa Lunes din magsisimula ang bagong season ng hit Korean series na The Penthouse. Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE