Abdul

Abdul Rahman may bagong image

August 26, 2021 Joey Aquino 693 views

MAGSISIMULA na ang ‘Legal Wives’ sa bago nitong timeslot sa GMA7.

Starting August 30, the Kapuso serye will share the same timeslot with Coco Martin’s ‘FPJ’s Ang Probinsiyano.’ Ang nasabing pagbabago ay dahil sa pamamaalam pansamantala sa ere ng ‘The World Between Us’ ni Alden Richards. Season break muna raw ang nasabing serye, ayon sa pahayag ng network. As for the ‘Legal Wives,’ it continues to set trends in Philippine television as it tackles the saga of Filipino Muslim families.

Bukod sa lead cast, isa ang Startstruck finalist na si Abdul Rahman ang unti-unting napapansin dahil sa kanyang impressive acting performance. Maging ang kanyang ka-love team dito na si Shayne Sava ay pasado rin ang acting. Si Shayne ang Starstruck 7 Ultimate Female Survivor.

Malalim ang hugot ni Abdul sa kanyang portrayal sa character niya bilang si Hammad Pabil, isang binatang Maranao. Malaking tulong sa kanyang characterization ang pagiging Muslim niya sa totoong buhay. Maging ang pinagdadaanan ng kanyang pamilya ay isa rin marahil sa nagpapa-motivate sa kanya para husayan ang kanyang pag-arte. Matatandaan na nagkaroon ng mild stroke ang kanyang ina kamakailan.

Being a family breadwinner, Abdul takes his career seriously. Kaya malaking break sa kanyang career ang pagkakasali niya sa ‘Legal Wives.’ Tiyak na mas lalo pa siyang mapapansin kung tatagal ang nasabing serye sa ere.

Abdul now sports a new look. This he posted in his Instagram account, recently; with caption that reads “skinhead, almost skinhead.” Hunk na hunk na raw ang dating nito, komento ng ilang netizen. May koneksyon kaya ang bagong look nito sa karakter niya sa Legal Wives? O baka naman may follow-up project nang inihahanda para kay Abdul? Just asking…

Disclaimer:

Sa diwa ng malayang pamamahayag, makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 0905-558-4811 or email us at [email protected]

AUTHOR PROFILE